Distracted 30

12 1 0
                                    


~~~~~

Masamang tingin na ang binigay ko kay Trey. Kung ano ano kasi sinasabi. Napakapapansin nya. Bakit hindi na lang si Wenard ang nawalan ng baso para sya ang lumapit dito. Hindi itong madaldal na Trey.

"Adal" mariing tawag ni mama.

"Inamin nyang gusto nya ko, ma. Pero hindi nya ko nililigawan! Okay na po ba?"

"Inamin nya na? Umamin na si Cedric? Sayo?"

Hindi nya ba alam? Asar sya nang asar sakin tapos grabe ang reaction nya ngayon sa sinabi ko.

"May gusto sayo yang Cedric?" tanong ni mama. Nasabi ko na, wala na akong kawala kay mama.

"Sabi nya..."

"Edi nililigawan ka?" si mama

"Ma wala nga pong nanliligaw sakin"

"Gusto ka nya pero hindi sya nanliligaw?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama

"Si Cedric na lang po kausapin nyo" sabi pa ni Trey, nag excuse na sya para bumalik sa lamesa.

Iba ang tingin na pinukol sa akin ni mama nang lingunin ko sya.

"Hindi ako naniniwalang hindi ka nya nililigawan. Umamin sya pero wala syang ginagawa... Sige na kumain ka na. Ako ng bahala"

"bahala saan ma!"

Imbis na sagutin ako ni mama naunang pa syang pumunta sa lamesa iniwan ako dito na litong lito na.

"Kumain lang kayo nang kumain" sabi ni mama sa kanila at lumabas na ng kusina. Buti na lang wala syang ibang sinabi sa kanila.

May isa pa akong problema, binalingan ko si Trey na ngingiti ngiti. Kalapit nya si Jeromy at Larence. Si Cedric nasa hilera ko, kaya katapat nya si Trey.

"Para kang aso gago" sabi ni Jeromy kay Trey

"may nalaman ako"

Agad namang lumapit nilapitan ni Jeromy ang mukha nya kay Trey.

Sinubukan kong ituon na lang ang atensyon ko sa pagkain kaso hindi magawa, lalo na dahil sa sinabi ni Jeromy.

"Ngayon mo lang yan nalaman? Noong nakaraan ko pa alam..."

Bumaling sakin si Jeromy at tinikom ang bibig, umayos sya ng upo.

Alam na alin? Alam na umamin sakin si Cedric? Hindi nakakapagtaka, hindi lang sila magkaibigan ni Cedric, mag pinsan din sila. Bakit kelangan pang sabihin kay Jeromy!

Pasimple kong dinungaw si Cedric, nakita kong ang pagtataka sa mukha nya habang nakatingin sya kila Jeromy. Ano to? Hindi nya ba alam na may alam yung dalawa? Oh please! Wag nyo akong pinaglololoko. Hindi lang babae ang may pagka tsismosa.

Si Trey at Jeromy ang pinag hugas ko ng mga pinagkainan. Tinulungan ko naman sila. Ang hirap nilang iwanan dito nang sila lang, baka may pag-usapan sila bigla. Pero wala naman. Payapa kaming natapos sa paghuhugas at pag liligpit.

Nasa sala silang lahat nagpapahinga at nanonood. Dinaanan ko lang sila at dumeretso ako sa taas. Nag palit lang ako ng damit at pumunta sa kwarto nila mama.

"Umalis na sila?" tanong ni mama pagkapasok ko

"Hindi po...Ma ayaw nyo po bang sabihin ko kay Wenard? O kahit malaman lang ni Tita Joan na alam ko?"

Napatigil si mama sa ginagawa nya sa laptop nya.

"Kahit papano nagkaroon ako ng pag-asa dahil inaalagaan ka ng Ate ko, na andito si Wenard. Kahit na alam nya na anak kita...Hayaan mo na ako mismo ang aayos nito. Kapatid ko sya. Ako na nito nak, ayokong ipaubaya sayo yung problema na hindi naman ikaw ang may gawa" paliwanag ni mama. Lumapit sakin si mama at hinila ako patayo mula sa pagkakahiga.

Distracted Where stories live. Discover now