Distracted 31

12 1 0
                                    


~~~~~

"Adal bilisan mo!"

"Eto na nga! Pa! alis na po ako!"

Nakakainis talaga. Nakalimutan ko na wala pala ako sa dorm. Puyat na nga ako dahil kagabi, katangahan pa na akala ko nasa dorm ko at malapit lang sa school. Kinailangan ko tuloy magmadali.

"Buti hindi pa ako nakakaalis nang tumawag ka. Tara na!" sabi sakin ni Jayzel. Hindi dapat ako papasundo, kaso male-late na talaga ako.

"sorry! Hindi ko naman alam na male-late ako ng gising!"

"tingnan mo ikaw pa ata galit"

"Hindi ako galit. Tara na"

Normal lang ang pagpapatakbo ni Jayzel ng motor nya. O hindi? Nasanay na ata ako na mabilis talaga sya magpatakbo kaya normal na samin ang ganto kabilis.

Si Cedric talaga dapat sisihin ngayon. Alam nya naman palang maaga pasok ko ngayon, nag message message pa sya!

"Bakit ka late?" bulong ni Trina sa akin pagka upo ko. Buti na lang yung teacher namin ngayon walang pake sa mga na le-late.

"Samin ako galing"

Pagkatapos ng discussion, quiz agad. Buti na lang nagbigay ng ten minutes para mag review. Hiniram ko ang notebook ni Trina kaya may naisagot ako sa mga tanong tungkol sa naunang na-i-discuss ni ma'am. Mataas pa rin ang score ko.

"Wala si Remi?"

Nakatapos na kami ng dalawang subject, ngayon ko lang napansin na wala si Remi.

"Absent...umabsent na rin sya dati, hindi ka naman nagtanong" sabi pa ni Trina

Silang dalawa ni Remi ginagawang bigdeal lahat ng sinasabi ko sa kanila ni Remi.

"ikaw kaylan ka aabsent?" mataray na tanong ko sa kanya

"Kapag hindi ka na nagtataray!"

"Hindi mangyayari. So hindi ka aabsent? Absent ka minsan. Kakasawa mukha mo"

"nakakasawa rin mukha mo!" sabi ni Trina. Hindi talaga sya nagpapatalo.

"Sila na lang...Trina tsaka Adal! Punta kayong building B sa taas. Sa fourth floor-"

"Bakit kami?"

"Ayoko"

Sabay naming sabi ni Trina. Kung andito si Remi baka tumayo na sya at kinaladkad na kami ni Trina. Pasalamat ako ma naisipan nyang umabsent ngayon.

"Kuhain nyo lang yung dalawang box na blue. May kukuhain kami sa kabila e" sabi ng kaklase namin.

"Pagkakuha nyo, tsaka kayo pumunta sa building B." sabi ko sa kanila

"Dali na Adal. Nagsialisan na mga kaklase natin. Kayo na lang ni Trina kumuha. Dalhin nyo dito, kami na magdadala kila Sir." paliwanag pa samin ni Trina.

Nilibot ko ang paningin ko at may nakita pa akong limang kaklase namin.

"Si sir na lang pa kuhain nyo-"

"Sige na kami na kukuha. Tara na Adal." sabi ni Trina at tumayo na. Umalis na rin ang dalawang kaklase namin na nag-utos samin.

Wala na rin akong nagawa kundi tumayo na at umalis na kami sa room. Building B? Hindi ko memorize mga building dito, kung anong department yung mga andoon.

" Pinagagamit mo ba kay Trey account mo?" tanong ko kay Trina.

"Hindi. Tungkol ba sa pag me-message nya sayo?"

"uu. Na i-block ko tuloy account mo. Naiirita na ko e" sagot ko

"Ginagamit nya minsan phone ko. Tsaka ko lang nalaman na nag me-message pala sya sayo, nagtaka ako naka block na ko sayo" paliwanag nya.

Distracted Where stories live. Discover now