~~~~~Tutal uwian na ang iba at wala naman na masyadong tao dito sa labas, naisipan namin na sa oval na lang mag-usap. Ang ibang participants andoon sa auditorium, nag-eensayo, kami ni Justin andito. Kailangan mag-usap.
"Pwede naman nating kalimutan na yung nangyari, ayusin yung pageant, pagkatapos, pwede na tayo ulit hindi magpansinan."
Dahil sa sinabi ko, tiningnan nya ko. Umiling iling sya, pero may ngiti sa kanya, parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.
"Seryoso Adal-"
"Seryoso ako Justin."
"No I mean, seryoso...I'm sorry. I'm really sorry. Sa nasabi ko. Sa ginawa ko. Nadala lang ako. Gusto kitang kausapin na, pero natatakot akong lapitan ka. Hindi ako nag so-sorry para lang umayos yung pageant natin. Gusto ko talagang mag-sorry sayo."
Alam kong nakatingin sya sa akin, ako nakatingin lang sa harapan namin, bakod ang mga halaman. Nanatili akong nakatingin dito,
" I- Sorry...I'm sorry din. Yun lang. I'm sorry. Alam mo kapag nagsalita ako, I really do mean it. "
Yun lang ang nasabi ko. Gusto ko sana na tanguan sya, hayaan na lang pero alam kong hindi iyon ang tama. He's sincere now, hindi na sya galit. Hindi rin ako galit.
" Okay na tayo...?" he asked doubtfully
" I just want to clarify some things. I want you to stop courting me. Sinabi ko na dati pa na wala kang mapapala sa akin. I don't like you romantically. I like you as a classmate. Or friend if you like."
"and huwag mo na rin babanggitin si Cedric sa usapan natin. Wala sya dito. Labas sya dito. Labas sya sa desisyon ko." dagdag ko
"Balak ko na rin naman itigil. Nakita ko naman...I enjoy having a feelings for you. Salamat. Aaminin ko sa lahat ng naging crush ko, ikaw ang favorite ko. Totoo ka-"
"Yung iba ba? Peke? Hindi humihinga?"
Natawa sya sa tinanong ko.
"Hindi ka pakipot, hindi natataranta, hindi naiilang. Kung ano ka, hindi mo binabago dahil lang sa may nagkakagusto sayo. Don't worry titigil ko na, alam ko namang walang wala na talagang chance." paliwanag nya. Tsaka lang ako tumingin sa kanya.
"Buti-"
"Titigil ko pagkatapos ng pageant."
Anak ng-may pahabol pa talaga.
"Okay na tayo? Pwede na ba natin silang pakitaan ng angas ng isang Adal Juico?" he playfully asked
"corny mo! Tara na." Pag-aya ko bago ako tumayo
Nanatili syang naka upo, tiningala nya ako, "Pero okay na tayo? Classmate?"
Inilahad nya sa akin ang kamay nya.
"Ayaw mo friends?"
"Basted ako. Ayoko muna ng friends." pag-amin nya.
Natatawang tinanggap ko ang kamay nya para makipag-kamay,
"okay. Okay na tayo, classmate."
Paalis na kami ng oval ng matanaw ko si Cedric sa gilid, palabas na ng gate. Kasama nya si Kris.
"Cedric!" tawag ko
Hindi nya ata narinig, may pinag-uusapan sila ni Kris. Pero napalingon sa akin si Kris. Kinawayan ako-
"Cedric!" may isa pang tumawag kay Cedric.
Nakita ko si Aya na patakbong lumapit sa kinaroroonan na nila Cedric. Parehas nabaling agad ang atensyon nilang dalawa kay Aya.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...