~~~~~"Eeeeh? hindi ka naman ata gusto ni Ate. Bakit mo sya nililigawan? Ako gusto kita. Pwede mo akong ligawan!"
Lintik. Saan ba nang gagaling confidence nitong babaeng 'to.
"tsaka hindi ka rin naman na ata? magugustuhan ni ate..." dagdag pa ni tintin, pahina nang pahina ang pagkakasabi nya at tumingin pa sakin. Tsaka ko lang inalis ang paningin ko sa kanya.
"Huy Adal!"
Dapat ba akong magpasalamt dahil sa pagtawag sa akin ni Remi, kasama nya si Trina.
Kahit papaano, makakawala ako dito sa awkward na sitwasyon namin ngayon.
"Tara na. Hindi ka na naman nag babasa sa gc. Akyat na raw sa room."
Umalis na rin kami agad. Iniwan ko rin sila agad doon sa lamesa. Pero narinig ko na tinawag ako ni Larence. Hindi ko na muna pinansin.
"okay ka lang?" tanong ni Trina sa akin.
Kung anong kinaligalig ni Remi na nauuna samin sa paglalakad, sya namang kinatamlay ko.
"Mabilis lang ba orientation?"
"Depende raw. May sakit ka ba?" bakas sa pagtatanong ni Trina ang pag-aalala. Pinagkatitigan ko sya. Hindi ako sanay sa mga pagtatanong nya.
"Ano? Kung may sakit ka, umuwi ka. Baka mahawa pa kami!"
Sinabayan nya na si Remi at naiwan ako dito sa likod nila.
Kailan ba kami masasanay sa isa't isa.
Paulit ulit lang naman sinasabi sa mga gantong orientation. Dibale sana kung sinisimulan na nila sa subject orientation hindi yung general orientation. Mas lalo lang akong nabagot. Kahit sinabi na sa amin ni Sir na isa't kalahating oras lang daw sya mag o-orient.
"Uuwi ba kayo agad pagtapos? Birthday ng boyfriend ko. Punta kayo." si Remi na hindi na napigilang dumaldal. Pasalamat na lang kami nasa pinakang dulo kami nakaupo ngayon.
"Mamaya pa tapos nila diba?" pagtatanong ni Trina.
"Pwede naman ako mauna sa bahay nila. Sumama na kayo. Ha! Hindi pwedeng hindi."
Pinilit pilit pa kami ni Remi hanggang sa pumayag na si Trina. Naisip ko na wala naman din akong gagawin. Kaya pumayag na rin ako.
"Hindi nyo pa nakikita boyfriend ko diba?"
"Muntik ko na ngang isipin na imaginary mo lang yan, kung hindi ko lang alam na school player yang boyfriend mo"
"ako rin." pagsang-ayon ni Trina sa sinabi ko.
"Sa tagal na nating magkasama Remi. Hindi ko pa kayo nakikita nagsabay man lang dito sa school"
"Grabe naman kayo. Hindi lang kami showy sa public. Tsaka hindi rin ako nagpapakita sa inyo kapag kasama ko sya dito sa school minsan. Ayokong may makakita ng clingy side ko hihihi" kwento ni Remi sa amin ni Trina.
Parehas kaming napangiwi sa sinabi ni Remi. Alam na alam namin na clingy sya. Sa amin pa nga lang ni Trina. Inisip ko pa lang na sobrang clingy nya sa boyfriend nya, ay ayoko na lang isipin.
"Sure ka bang pwede tayong mauna dito sa bahay ng may birthday?" tanong kay Remi pagkababa namin dito sa bahay ng boyfriend nya.
Sa isang subdivision ang bahay. Nakita namin na may lamesang nakahanda dito sa malawak na bakuran. Meron na rin akong nakikitang tower, probably para sa mga alak na iinumin nila.
" Remiii!"
Isang babae ang lumabas sa bahay at mabibilis na hakbang ang ginawa upang salubungin ng yakap si Remi. I guess she's in her mid 30s. Supistikada syang tingnan. Siguro kung hindi ko sya narinig kung paano tawagin si Remi, aakalain ko talagang sobrang sungit nya.

YOU ARE READING
Distracted
Fiksi Remaja~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...