Distracted 46

6 1 0
                                    


~~~~~

"Reyn and I, don't have any relationship." Cedric looked at me, hindi ako nag-iwas ng tingin sa kanya. Nanatili ang mga mata ko na nakatuon lang sa kanya.

"Pero naging kayo diba?" singit ni Aya. Ako lang ba o iba yung tono nya sa pagkakatanong nya.

Tinanggal ni Cedric ang paningin nya sakin at humarap sa mga kumakausap sa kanya.

"oo. Matagal na yun. Malinaw sa kanya na wala na kami."

"Sino bang ex? Ang daming babae dito. Sino sa kanila ate?" tanong ni Tintin, bumaba na rin ang energy nya. Naupo na rin sya. Buti naman at kumakalma na sya.

"Alam ba ng mga magulang mo na andito ka? Naka uniform ka pa. Kanina pa tapos ang orientation."

"Ikaw din naman"

"Dito kami dumeretso. Ikaw?"

"Nasa school lang talaga ako kanina. Nag me-memorize ng mga building, naglilibot. Nakita ko si Cedric na bumalik sa school. Kinulit ko sya na isama nya ako kung saan sya pupunta." paliwanag ni tintin.

"Kung alam nga ng magulang mo?" ulit ko sa tanong ko. Umiling naman sya.

"Uuwi na ko. Sumabay ka na sakin."

Bumaling ako sa dalawa kong kaibigan na nakila Cedric ang atensyon.

"Hoy uuwi na ko. Isasama ko na tong si tintin."

"Andyan na ba si Jayzel?" tanong ni Larence.

"Kaya na namin. Kaya ko. 'wag kayong mag-alala sakin. Mas nakainom pa nga ata itong babaeng to."

"Sure ka? Uwi na rin kaya ako. Para maihatid ko na kayo" Wenard suggested

"wag na. Kadarating nyo lang. Kaya ko. Ingat kayo pauwi."

Pagbaling ko sa tapat ko, nawawala na si tintin. Talaga naman. Nasa high school pa ata utak ng isang yun e. Hindi pa sya nakakapag adjust para sa college. Mukang mahihirapan ang isang ito.

Nilibot ko ang paningin ko. Nakita ko si Tintin na nasa tapat ng chocolate fountain. Seryoso syang nakatingin dito.

"Huy baka balak mo pa yang iuwi!"

"Favorite ni Cjoy ang chocolate. Tuwing birthday ko, nagpapasadya talaga ako ng chocolate fountain para sa kanya."

Kumuha ako ng marshmallow na nasa stick. Pinadaan ko sa chocolate fountain bago ko inabot kay Tintin.

"Ubusin mo na yan. Kuhain ko lang gamit ko. Uuwi na rin tayo. Makipag bati ka na rin kay Cjoy."

Pumasok ako bahay at hinanap ang bag ko. Nagtanong pa ako sa mama ni Austin ang sabi nilagay daw ni Remi sa kwarto ni Austin.

No choice. Kahit ayaw kong pasukin, pinasok ko na. Kinuha ko na ang bag ko. Iniwan ko ang kay Trina. Mukang mamaya pa sya uuwi. Kasama nya naman si Trey. Sina Karylle magpapasundo ata sa kuya nya.

Nawala na naman sa pwesto nya si Tintin. Nakita ko sya na bumalik sa pwesto namin. Bumalik talaga sya sa pwesto nya kanina, yung inuupuan nya, kase nasa tabi na nakaupo si Cedric.

Pagkalapit ko may ibang topic na sila. Buti naman. Akala ko walang katapusang Cedric ang maririnig ko sa kanila. Wala na rin sila Reyn at Aya.

"Adal uuwi ka na?" tanong ni Remi.

"oo. Thank you sa inyo." sabi ko sa kanila ni Austin.

"Hoy tintin!" tawag ko kay tintin na nakapangalumbaba na naman. Kitang kita na sa mata nya na antok na antok na sya. Cedric naman kasi, bakit sinama mo pa.

Distracted Where stories live. Discover now