Distracted 12

12 1 0
                                    


~~~~~

"Si Vince na lang wala, matatagalan daw ba sya Adal?"

"Hindi naman ata. Baka naliligo na, kanina dinaanan namin ni Jayzel kararating lang nila" sagot ko kay Wenard.

Andito na kami sa court ng baranggay nila Larence, andito na silang lahat, si Vince na lang ang inaantay. Pare parehas naman daw silang walang ginawa kaya naisipan nila maglaro

"Adal ikaw na lang muna maglaro!"

"tas sayo ko ibabato yang bola Jayzel. Pwede naman na kayo magsimula ah"

Hindi na sila nagtawag ng makakalaro nila. Sila sila na lang daw anim, three by three.

"Bakit hindi nila pasalihin yung players sa school?"

"ayaw nila. Matataas din pride nyan. Hindi kasi sila pinayagang sumali sa varsity kaya hindi nila kinikibo yung mga yun" paliwanag ko kay Jaylo. Mamayang hapon may gagawin sila nila Vince. Hindi ko lang maintindihan bakit kelangan ngayong umaga, kasama din naman sya.

Pinanood lang namin silang maglaro. Yung tatlo laban kila Zedric at Jeromy. Mga isang oras ata sila naglaro at dumating na rin si Vince. Si Vince, Jayzel, at Jeromy laban kila Larence, Wenard, at Zedric.

"Adal?"

"Ano?" hindi ko nilingon si Jaylo nanatili ang paningin ko kila Jayzel na naglalaro

"May sasabihin ako..."

"Noong nakaraan mo pa yan sinasabi, ilang beses na tayong nagkikita sa dorm iniinis mo lang ako imbis na sabihin yung gusto mong sabihin"

"sasabihin ko na"

"sabihin mo na"

"sasabihin ko mamaya"

inis ko syang nilingon. Nasa likod bandang taas sya nakaupo, ayoko magkatabi kami "papansin ka"

Dalawang oras na pag tigil tigil silang nanglaro. Puro water break lang sila na pinasasalamatan ko, baka kasi mamaya utusan pa ako ni Larence na bumili ng pagkain nila.

"Andyan na sila Trey!" narinig kong sigaw ni Jeromy, tumingin ako sa gilid ng court at nakita ko may tatlong lalaki ang papakapit sa kanila

"kaibigan ba nila yan?"

"oo, nila Cedric" sagot ni Jaylo.

Namumukaan ko sila, sila yung nasa booth nila Zedric, pero isa lang ang kilala ko sa pangalan, yung manliligaw ni Trina na si Trey.

"kaya pala g na g sumali dito Ced! Hahahaha!" narinig kong sabi ni Trey habang papalapit sila sa gitna ng court

"gago ka talaga  hindi pa nga daw alam"

"wala bang nagsasabi?"

"wala malamang hahaha"

Pinagmasdan ko lang silang mag-usap usap. Mukang isasali nila Larence itong mga kaibigan nila Jeromy. Nakita kong nag stretching yung tatlong bagong dating, dahil mataas ang score nila Larence kanina, sila ngayon ang magpapahinga. Nagsama pa talaga si Vince at Jayzel, kaya ayun parehas nakanguso akala mo batang nagmamaktol kasi hindi binili ng laruan. Dapat daw kung sinong talo yung ang magpapahinga.

Hindi nga ako ang tagabili ng pagkain, ako naman ang ginawang taga abot ng mga towel nila.

"Para masanay ka Adal. Sa totoong game, marunong ka na mag-abot agad ng towel namin" nakuha pa akong asarin ni Jayzel nang naabutan konsya kanina sa labas ng bahay namin.

Inabot ko ang towel nila Larence at Wenard. Iniabot ko rin kay Zedric kaso nakaharap sya sa phone nya, pinatong ko na lang sa balikat nya.

"Isa na lang kulang sa inyo" sabi ko kila Wenard

Distracted Where stories live. Discover now