Him

18 0 0
                                        

Let me linger, lost, yet found.
Distracted by love, serenely


~~~~~

" Adal okay ka lang?"

"Okay lang yan. Si Raver tanungin mo kung okay lang. Mahirap kaya mag drive 'pag walang kausap."

Bakit nga ulit ako pumayag na sumabay dito? Dapat sumabay na lang ako sa school bus.

" Sya may gusto nan. At tsaka pwede ba? Manahimik ka na."

" Concern lang ako kay Raver—"

"Bakit mo ba sya pinapakeelaman? Wala nga syang pake sayo!"

" Alam ko. Tanggap ko naman. Sayo kasi sya may pake. "

" Sasakalin na talaga kita."

Hindi ko alam kung number 1 fan lang ba talaga si Justin nina Miesy at Raver, o sadyang inaasar nya lang si Miesy.

Bwisit. Apaka ingay. Kanina pa sila nagbabangayan. Oo alam ko matitiis ni Raver si Miesy na mag-ingay nang mag-ingay. Pero si Justin? Jusko, sisipain ko na 'to palabas ng bintana.

Justin and Miesy won the title for Mr and Ms Tourism. Raver and I got the first place. Kahit hindi ako ang nanalo, kasama pa rin ako sa beach. Dapat pala hindi ko na ginalingan. Magaling si Justin, nakuha nya nga ang title. Dinala nya kaming buong klase sa beach, not totally na sya ang nag bayad, nag book. Pero kung hindi dahil sa effort nya wala kami dito. Thanks.

Pagka dating namin sa resort, dumeretso muna kami sa kanya kanya naming kaklase. Syempre hiwalay pa rin sa amin sina Miesy. Depende na raw sa amin, kung gusto namin magkaroon ng isang kasiyahan.

"Wala naman sigurong activity na gagawin diba?" tanong ko, pagka lapit ko sa mga kaklase ko.

"Andito tayo para mag enjoy, huy!" sabi ni Remi

"Alam ko. Naninigurado lang. Baka kasi mamaya. Team building pala ito."

Mahirap na. Ayoko gumalaw galaw, hindi pa nakaka recover katawan ko sa lahat ng nangyari sa akin.

"You have a three days and two nights here. It's all yours. Don't worry, you will not feel our presence. Just enjoy. Relax and have fun. Pero hihilingin namin na itong oras na 'to sabay sabay muna tayong kakain. Picture taking and the rest of this day, is all yours. " Ma'am Magnolia explained.

Kahit anong gawin namin dito pwede? Pwede. Kahit anong gawin ko, walang mangingielam sakin. Ang ganda ng lugar, ang sarap maghubad sa dagat.

Pero inaantok ako.

" Mag plan tayo ng activity! " masiglang sabi ni Remi.

Agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Ano? Gagawa tayo sarili nating team building?"

"We don't need a plan. Just enjoy, Rems."  sabi ni Cheska sa kanya.

Kaso matigas ang ulo ni Remi.

"Paano makakapag enjoy kung walang plano? Magulo!"

"Una na ko sa room. Bababa ako mamaya." paalam ko.

Kami ni Cheska at Trina ang magkasama sa room. Sina Remi, Karylle at Meane naman ang magkasama. Dapat sa amin si Remi pero ayoko. Tingin ko kasi hindi ako makakapag pahinga sa gabi kapag alam kong limang dangkal lang ang layo nya sa akin.

" Adal!"

Hindi pa ako nakalilingon sa akin, bigla na agad may pumatong na braso sa balikat ko.

"Saan ka?"

Distracted Where stories live. Discover now