Distracted 26

10 0 0
                                    


~~~~~

"Ang dami na talaga nagbabago sayo. Kapag ka gantong may free time nasa oval ka, ngayon sasama ka samin sa library?"

"Hindi ako sumasama. Talagang sa library lang din ako pupunta" sabi ko kay Remi at inunahan ko na silang maglakad.

Sinabayan ako ni Remi sa paglalakad at bigla akong inakbayan "ikaw naman Adal, wala namang mawawala kung aaminin kang gusto mo talaga kaming kasama"

"walang mawawala kasi wala naman talaga akong aaminin" sabi ko sa kanya at inalis ang pagkaka akbay nya, nilingkis naman nya ang kamay sa braso ko.

Hindi ko alam kung kaylan at bakit talaga ako napapasama sa kanila. Dati hanggang usap lang ang ginagawa ko sa kanila pero nitong mga nakaraang linggo nagtataka na lang din ako lagi na akong tangay tangay ni Remi.

Pagkapasok ko sa library dumeretso na ko sa pinakang dulo na inuupuan ko. Pinaka walan din naman ako ni Remi, kahit papano andyan si Trina na pipigil sa kakulitan ni Remi.

"Bakit ka andito?"

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ko nang may biglang umupo.

"masama?" tanong ko kay Jaylo

"Hindi. Pagkaka alam ko hindi mo ugaling dumeretso dito. Nasa oval mga kaibigan mo"

Halagang halata ba na hindi talaga ako mahilig magbasa.

"Hayaan mo sila. Ikaw bakit ka andito?" tanong ko naman sa kanya. Pinakita nya sa akin ang mga papel at libro. Nag print ata sya.

"Una na ko, hihiramin ko lang to" sabi nya at inangat ang librong hawak nya.

"okeee"

"Kasama mo pala mga bestfriend mo?" pasimple syang tumingin sa may bandang likod namin. Napatingin din ako at nakita ko na nakatingin sa amin ang dalawa. Nag iwas tingin pa.

Nagkibit lang ako sa kanya at pinapaalis na sya gamit ang kamay ko, tinawanan nya pa ako bago sya tuluyang umalis. Bumaling ako kila Trina at Remi na sinundan ng tingin si Jaylo tsaka bumaling sa akin, sinamaan ko sila ng tingin.

Isa pang dahilan kaya hindi ako mahilig dito sa library, inaantok lang ako. Buti na lang may kailangan kaming isulat, dahil kung wala baka makatulog na talaga ako dito Aamininin ko, meron o walang isusulat dito ko na talaga balak magpalipas ng oras.

Napansin ko na medyo dumadami ang mga estudyante dito, may umuupo na rin sa tabi ko, papalit palit, kung sino sino. Umupo rin si Remi, para mang - asar pero umalis din agad sya.

Asan ka raw tanong ni Cedric?

Bakit nya tinatanong?

Basa ko sa message ni Vince,

Ikaw nandyan, bakit hindi mo sya tinanong? Wala talaga sa ayos itong si Vince. 

Nasundan agad ang message nya.

Nasaan ka nga ba? Hindi rin namin alam.

Sila Vince yan, syempre never nilang maiisip na nasa library ako.

Hindi ko sya ni replyan, mas pinili ko na lang ituloy ang ginagawa ko. Pero hindi ko na matuloy tuloy. Nabasa ko lang pangalan nya, biglang nag flash lahat lahat sa utak ko yung mga sinabi nya nung gabing umamin sya. Dalawang araw na nakakalipas pero wala pa rin akong maisip na isasagot, na sasabihin sa kanya. Kailangan ko ba talagang may sabihin sa kanya.

Hindi pa rin ako nakakapag-isip o nakaka pag desisyon sa mga pinagsasabi nya. Hindi pa rin ako naniniwala na yung gabing yun ay nangyari talaga. Nung nakauwi ako sa bahay, natulog gumising, ang nasa alaala ko lasing ako at kung ano ano lang ang naririnig. Pero totoo talagang nangyari yun. Kinausap nya ko, hinawakan nya ko, tinitigan nya ako. Siguro nga pinipilit ko lang iwala sa utak ko si Cedric at yung pag-amin nya.

Distracted Where stories live. Discover now