~~~~~Neither I'm creepy nor like an obsessed fan. I'm not like that! I'm just admiring Cedric's beauty.
These past few months I lost my motivation to draw, to sketch, I lost ideas. At kapag nagtuloy tuloy na hindi ako humahawak ng lapis, baka mahirapan ako makabalik. Kaya kinailangan ko ng subject. Consistent subject.
And there he is, Cedric. Kumbaga sya na ang ginawa kong model para matuloy ko ang pagguhit ko. Para hindi ako mawalan ng interes sa bagay na kinahihiligan ko.
Aside from that reason, I really want to sketch him. Wala lang. Gusto ko lang. Hindi naman nakakapagsisi na sya ang nakita ko, sya ang nagustuhan kong iguhit, maganda ang kinalabasan.
Pero alam kong pwede maging dating sa kanya o sa iba na medyo off ang ginawa ko. I sketch him without his permission. Okay lang sana kung ako lang ang nakakakita, ang makakakita. No big deal na. Pero may iba ng nakakita. At hindi ko alam kung anong sasabihin nila.
Lumingon ako kay Jayzel na nakaharap sa phone nya, hindi sa laptop nya. Seryosong seryoso sya sa ginagawa nya. Mas seryoso pa ata sya ngayon kesa kanina, na ang ginagawa nya ay ang assignment nya.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hanggang sa matapos ako.
"Tapos na, makakauwi ka na. You're welcome." tumayo na ako at humarap sa kanya para iaabot ang natapos ko.
Naabutan ko syang nakatingin sa akin, no...hindi sa akin. Para bang tumagos ang tingin nya sa akin, papunta sa likuran ko. Kung nasaan ang mga sketch ko.
Tumayo sya pumunta sa harap ng mga ito.
Kasasabi ko lang kanina, hindi pupunahin ni Jayzel kung walang magsasabi sa kanya. So may nagsabi sa kanya.
"Hindi ko napansin..." sabi nya at tinitigan mabuti ang mga sketch.
"Si Cedric nga. It's really look like him" patuloy pa rin sya sa katitingin.
Malamang si Cedric yan, Alangan hindi nya kamukha.
Kapag pumupunta dito si Jayzel, either umaga or tanghali, hindi naman ako mahilig mag open ng ilaw, ngayon lang sya nakapunta na sobrang liwanag dito sa kwarto ko. Sya pa lang din ang nakakapasok sa kwarto, sa kanilang apat nila Larence, Vince, at Wenard.
Sure ako na hindi rin yan nakita ni Kael. Naalala ko pumunta sya dito, may kurtinang nakaharang dyan, nagkataon lang na wala ngayon, dahil nilabhan ni mama kahapon lahat. As in lahat. Kaya kahit pamalit, wala ako.
"Sinong nakakita ng myday mo?" hindi ko na napigilang magtanong.
"Madami na. Kaklase ko. Pero satin satin, si Larence at Kael pa lang..." tumingin ulit sya sa phone nya
"... At si Cedric."
"Sinong nagsabi sayo?"
"Napansin ni Larence. Si Larence ang ka chat ko kanina pa. Nagtatalo na nga kami kung Cedric ba talaga o hindi. Hindi naman masyadong malinaw sa camera." paliwanag ni Jayzel.
"Burahin ko?" tukoy pa ni Jayzel sa myday nya.
"'wag, hayaan mo na. Hindi naman halata diba?"
Sana hindi na nila tingnan pang maiigi.
"Bakit si Cedric?"
"ano gusto mo? Ikaw?"
"pwede rin. Pero seryoso Ad, bakit si Cedric?"
Sinabi ko kay Jayzel ang dahilan. Kung si Cedric, kami ni Cedric ang halos nasa sketch ko. Hindi na nagtanong pa si Jayzel.
"favor Jayzel...Mayroon din kayong sketch nila Larence. Tayo actually. Picture-an kita-"
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...