Distracted 42

12 1 0
                                    


~~~~~

Kanina pa ako hindi mapakali. Pagpasok ko dito sa bahay kanina pagkatapos kong makipag-usap kay Cedric parang gusto kong labasin at harapin sya ulit. May gusto akong sabihin. Hindi ko naman malaman kung ano.

Napabangon na ako mula sa pagkakahiga ko. It's already eight. Gusto ko na matulog para mapahinga yung utak ko pero anong gagawin ko e sa hindi ako makatulog.

Kahit nag-aalangan pinindot ko ang call button sa tabi ng pangalan ni Cedric.

Nakakadalawang ring pa lang, bigla kong na realize na baka nagpapahinga na sya, baka katatapos lang nila. Katangahan talaga. Nakalimutan ko na andoon si Kael, dapat tinanong ko muna si Kael kung may ginagawa pa si Cedric. Ano ba naman Adal!

"Dal..."

Shit. Pinatay ko agad ang tawag. Bakit sinagot nya agad.

Nakita kong typing sya. Kaso biglang lumitaw sa screen ang pangalan nya. He's calling. Sinagot ko na ito.

I realized that it is not just a call. It's a video call! I see him on the screen! His brows furrowed, he looks confused. His eyes bore into the screen intently. His lips were red and wet. Is he still drinking?

Kita kita ko ang namumula nyang dibdib. He's topless. I admit, I'm shocked at how he appeared on the screen. He looks different. There's something different, especially now, he's drinking.

Hindi ko mapigilan hindi matawa. He looks very confused. My light is off. He probably can't see me clearly.

Naririnig ko ang boses ng mga kasama nya, ng mga kaibgan ko. Hindi pa nga ata sila tapos. Narinig ko na tinanong sya ni Trey kung bakit daw. Hindi nya pinansin si Trey. Tumayo sya. Aalis ata sa pwesto nya. Pinapanood ko lang sya maglilikot. Hindi ko alam kung anong gagawin nito.

Nasa loob na sya ata ng bahay nila, nasa kusina na.

"Are you okay, Dal? May problema ba?" he asked huskily.

Gosh why? Bakit sobrang gwapo nya ngayon? Ang lala!

"Wala. Sorry. Akala ko wala ka ng ginagawa. Bukas na lang."

Hindi sya kumbinsido sa sinabi ko.

"What is it?" tanong nya.

Umiling ako.

Ay oo nga pala, hindi nya ako masyadong nakikita, baka nga wala talaga syang nakikita sa screen nya. Hindi naman nakatapat mismo sa mukha ko ang phone ko kaya wala ring silbi ang liwanag na nanggagaling sa phone ko.

I saw how he licked his lips and ran his fingers through his hair.

Bakit ang gwapo nya talaga ngayon? Oo gwapo naman talaga sya pero iba yung ngayon.

"Wala talaga. Sorry. Sige na balik ka na sa kanila"

"You sure?"

"Yup! Sige na-"

"I'm not drunk, Dal. Uminom ako pero hindi ako lasing -"

"Sooo?"

"Baka may sasabihin ka talaga, ayaw mo lang sabihin kasi akala mo lasing ako" paliwanag nya.
Ang likot na naman. Hindi ko alam kung saan sya nakasandal sa kanila. Ngayon umupo na sya. I'm sure he's on their kitchen counter based on where he is. Sitting in their high stool chair.

Masyado na akong nad-distract sa itsura nya, nakalimutan ko na talaga kung anong dahilan kung bakit ko talaga sya tinawagan kanina.

"Wala akong sasabihin."

"Bakit ka tumawag? Did you just want to check me? I'm not drunk, Dal. Sorry hindi ako nakapagsabi na iinom ako."

Inaano ko ba sya? Wala naman akong sinasabi.

Distracted Where stories live. Discover now