~~~~~Parang tanga.
Sana hindi na sya nag-insist na sya maghahatid sa akin papunta kila Wenard. Kung ganito lang din naman. E parang nakasakay lang din ako sa public vehicle e. Nakaupo, walang kausap, tulala. Ang pinagkaiba lang, dito kay Cedric hindi sya tumatanggap ng bayad.
Ang layo pa namin kila Wenard, traffic pa. Pakiramdam ko pati pag galaw ko bawal. Sa totoo lang nagsisimula ng sumakit ang pwet ko.
"Drive-thru? Nagugutom ka ba?"
"Hindi. Tsaka sure akong pakakainin naman ako ni Wenard doon sa kanila"
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin sya sa akin at dahan dahang tumango. Okay. Balik ulit kami sa katahimikan.
"pwede pabukas?" tukoy ko sa bintana.
Binuksan nya naman agad.
Tumigil kami sa mismong tapat ng gate nila Wenard. Nakabukas ito, kararating lang din ata ni Wenard. Nakita ko kasi ang sasakyan nya. Hindi pa nakagarahe. Parehas kaming nakatingin sa labas ni Cedric. Bumaling naman agad sya sa akin. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko.
"salamat sa pag hatid" hindi ko alam kung napansin nya ang pagmamadali ko. Ayoko kasing lalabas pa sya, para pagbuksan ako. Kaya ko naman.
Nang nasa gate na ako mismo, humarap ako sa kanya,
"salamat. Ingat pauwi..." Instead of waving goodbye, I shoo him using my hand, telling that I'm okay now, he can already go.
Ayaw pa umalis. Ano magtitigan tayo dito?
"Wala namang sasakyan, goods na. Pwede ka na umalis." tumingin tingin pa ako sa paligid. Obvious naman na walang sasakyan o ano mang harang.
"Pumasok ka na, para makaalis na 'ko."
I faked a smile and gave him a nod. I turned my back at him, I still feel his gazes. His gazes follows me. I can still feel it even I'm already here in front door. I knocked two times. Hindi ko na inantay na may magtanong o magbukas sa akin. Bukas naman kaya pumasok na ako. Tsaka ko lang narinig ang sasakyan ni Cedric na umandar na paalis. Binuksan ko ulit ang pinto.
"Baliktad na ata Adal. Bakit ikaw na nagbubukas sa akin ng sarili naming pinto?" si Wenard na kababa lang sa sasakyan nya.
"sorry haha. Kumatok ako, bukas. Pumasok na ako. Wala bang tao dito sa loob?"
"Si mama andyan."
Tumingin sya sa gate nila at binalik ang tingin sa akin,
"Si Cedric naghatid sayo? Dito ka pala pupunta bakit hindi ka pa sakin sumabay?"
"Iniwan mo kaya ako. Nakalimutan ko pati sabihin sayo kanina. Anong pagkain nyo?!"
Hindi ko sya inantay na tuluyang pumasok dito sa sarili nilang bahay, dumeretso na agad ako sa kusina nila.
Habang kumakain kami ni Wenard sinabayan na rin kami ni Tita. Ang saya at sarap sa feeling na okay na lahat pagdating kay mama at tita, though may nararamdaman akong ilang, lalo na pag magkakaharap kaming tatlo. Alam rin kasi ni tita na nagkagusto sa akin si Wenard. Hindi gaya nila papa dati na merong mga pahiwatig na bawal, si tita walang sinasabi pagdating sa pagkakagusto sa akin ni Wenard dati. Hindi ko sigurado kung hinahayaan lang nya noon dahil naniniwala sya na hindi na sila magkakaayos ni mama. As long as wala na yung feelings ni Wenard para sa akin, okay na ako. Wala na akong dapat ipag-alala.
"Tapos ka na kumain. Pwede ka na umalis."
"Tita si Wenard! pinapaalis na ako!"
"Wenard. Ngayon na lang pumunta dito si Adal, 'wag mong paalisin." rinig naming sabi ni tita na nasa kusina pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/362921217-288-k811858.jpg)
YOU ARE READING
Distracted
Ficção Adolescente~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...