Distracted 62

8 0 0
                                    


~~~~~

"Cedric mamaya ka na umuwi kapag humina hina na ang ulan."

Yung lang ang narinig ko bago ako tuluyang umakyat. Gusto ko sanang kausapin si Cedric kaso ang dami kong dapat unahin. Aral. Aral. Aral. Walang katapusang pag-aaral. Nakakainis. Kahit walang quiz, walang exam, walang recitation, kailangan mag-aral pa rin.

Dumeretso agad ako sa desk ko, inilabas lahat ng notes ko. Nag email na rin ako kila ma'am na kung pwede ko hingiin ang ilang pdf, at ang mga questions sa mga quiz namin. Para naman akong ilalaban nito.

Twenty minutes bago ko naipon lahat ng nakuha ko, lahat ng mga konti kong naisulat. Tapos na ko sa pag-oorganize pwede na ba matulog? Hindi. Reviewer pa. Ugh! Ang dami. I deicided na lahat ng subjects gagawan ko na ng transes. Syempre hindi lang dapat gawa, dapat ko rin basahin at pag-aralan.

I don't do memorize, I familiarise. I hate memorizing, expect when it is really need, like memorizing a poem. But when it comes to exam, quiz, recitation, I prefer familiarizing. Mas madali para sa akin. Mas napapabilis din ang pag-aaral ko.

Bago pa lang ako mag ta-type sa laptop ko, nagpapansin na agad ang phone ko.

Cedric
Pwede pumasok?

My forehead creased when I read his message. He's already in our house.

Mag rereply na sana ako, ng may nahagip ako sa pintuan. Nakasandal sa hamba ng pintuan si Cedric. Nakalimutan kong isara ang pintuan ko kanina.

"Asan sila papa?" tanong ko

"Nasa baba. Nagsabi ako...sabi nila magpaalam daw muna ako sayo since it's your room."

Tinignan ko ang kama ko at tumango. Pumasok naman sya dito sa kwarto. Akala ko maglilikot ang mata nya, pero nanatili lang ito sa akin. Tumigil sya sa dulo ng kama ko saglit, bago nag dere - deretsong punta sa akin.

Inayos ko anag ayos ng kwarto ko. Wala na sa tabi ko, sa tabi o harap ng lamesa ko ang mga sketch ko. Inilipat lahat ng pwesto. Nasa ulunan ko na sya, may kurtina na bahagyang nakabuka para kahit papaano nakikita ko ang mga ito. Ganoon ang ayos para kapag may dumating na naman akong kaibigan, madali ko nang maitatago.

"Naiwan mo sa sasakyan" iniabot nya sa akin ang isang nakarolyong mga papel.

Agad ko itong kinuha,

"Binuklat mo?"

Umiling sya agad, "Hawak mo yan kanina, kaya alam kong iyo. Hindi ko na tiningnan."

Binuklat ko ang papel, at inilagay sa lamesa ko, pero bumabalik ito sa pagkaka tiklop. Kinailangan ko pa daganan ng notebook.

Nag - angat ako ng tingin kay Cedric, naabutan ko syang nakatingin sa mga papel ko bago tumingin ulit sakin.

" Sorry. Sorry sa sinabi ko kanina." I said, almost a whisper.

Akala ko kung anong gagawin nya sa akin dahil itinaas nya ang kamay nya, tapat ng mukha ko. Yun pala pipisilin lang ang ilong ko.

Hinigit nya ang bilugang upuan na nasa gilid at dinala ito sa tabi ko. Tsaka sya umupo.

" Hindi ka pa uuwi?"

"Lumakas na ulit yung ulan" sagot nya sa akin.

Parehas kaming tumingin sa labas ng bintana. Kanina ambon na lang yan, ngayon, lumakas ulit.

"Madami kang assignment?"

Binuklat ko maigi ang mga papel ko kung saan makikita ang halos lumagapak kong mga scores. Actually, mga naglagapakan na nga.

"Kinausap ako ng mga teachers ko kanina. Dahil dyan. Malapit na mag finals, halos lahat ng quizzes namin, ganyan ang scores ko..." nag-iwas ako ng tingin

Distracted Where stories live. Discover now