~~~~~"Your wedding will start ten minutes from now"
"my wedding?" dumako ang tingin ko kay Larence "Larence ano ito?"
"Wala akong kinalaman dyan"
"seryoso ba? Paano kung ayaw ko?"
"come on Adal, it's just a wedding, hindi seryoso. Para namang hindi mo ginagawa, ay sorry"
Tinitigan ko ng masama si Larence talagang may balak pa syang ipagkalat yung pinag gagawa namin dati.
Hindi ko naman talaga ginagawa, taga plano lang ako! Nevermind tapos naman na kami sa gawaing iyon.
" Sama ka na samin" sabi pa ni officer. Hindi ko alam pangalan nya. Nakita ko ang dalawang babae na may dalang telang puti at mga hairpin.
Pasimpleng lumapit sakin si Larence
" sige na Adal, para naman malaman mo kung anong pakiramdam ng umaarte"
Bwisit talaga.
"Sinong partner?" tanong ko. Hindi ko na ito pwede ayawan. Hindi naman ito seryoso bakit pa ako mag-iinarte. Kung sino mang naglista sa akin, makukulong ka rin. O baka naman nakakulong na.
"Random lang kasi. Hiwalay ang listahan ng girls and boys. Yung mga nilistang may partner, nauna na kanina. Tinatapos na lang namin itong mga walang partner"
"so ano? Inimaynimo na lang sa listahan? Kung sinong pwet ng kabayo o mukang unggoy yun ang partner ko!?"
Dahil sa sinabi ko nagtawanan sila lahat. Anong nakakatawa? Seryoso ako! Pati itong katabi ko narinig ko na tumawa.
"parang, parang ganoon na n-nga" sagot sakin ni Officer, hindi nya pa masabi ng maayos dahil sa pagtawa nya. Babaw ng kaligayan nya.
"Si Larence nasa listahan ba?" tanong ko
"Tapos na ko dyan. Kanina pa ko kinasal" pinakita nya sakin ang papel na hawak nya, naka rolyo na ito.
"Si Vince?"
"Actually kaming lahat nasa listahan. Katatapos lang namin" sabi pa ni Larence. Sumang ayon naman sa kanya si Officer
"e bakit hindi nyo ko inimbitahan??"
"Baka kasi magselos ka lang-aray!" dahil kalapit ko sya, madali lang sakin na hampasin sya. Masyado nya namang sineryoso yung tanong ko
Lumapit na samin si Khael at Jeromy. Nagtataka pa si Khael kung anong meron, si Larence ang nagsabi sa kanya.
"ikaw?" tanong ko sa katabi ko
"ano?" tanong nya
"May Zedric ba dyan?" deretso kong tanong kay officer
"Cedric...eto ba?" pinakita sa akin ang hawak nilang papel
Czendric Arcalas, kita ko sa pangalan nya.
"Yan nga"
"Baka sila Trey naglista nyan. Buti wala kang partner" sabi ni Jeromy.
"Adal Juico and Czendric Arcalas"
Lumapit kaming dalawa ni Zedric na magakahawak kamay papunta sa gitna kung nasaan ang nagsasalita.
"Eto lang yun diba? Pagkatapos nito okay na?" hindi ko mapigilang magtanong sa kalagitnaan ng ceremony kuno. Hindi kasi nila pinaliwanag sakin, dahil wala na daw oras kaya pagpunta namin dito sa isang room, pinalakad na agad kami.
"Twenty minutes magsasama pa kayo pagkalabas nyo dito sa room. May sasama sa inyong officer para siguraduhing hindi kayo maghihiwalay" paliwanag sa akin. Tumango tango ako. Tiningnan ko si Zedric na nakatingin lang sa papel at bulaklak na nasa maliit na lamesa sa harap namin. Sa bagay mukang naganto na rin sya last year kaya may alam na sya.
YOU ARE READING
Distracted
Dla nastolatków~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...