Distracted 40

8 0 0
                                    


~~~~~

They spent their one month on playing basketball. For practices and in the actual game. After three games, they won. Of course there's an MVP, Jayzel is the MVP. Masaya ako para sa kanilang lahat. Sa mga laro nila lagi kaming nanonood ni Kael, may isang beses na kasama namin si Jaylo at Remi.

Pero sa mga naging laro, tuluyan ng naging Juico si Cedric. Yung ang gamit nya noong unang laro. Hindi na raw pwedeng baguhin. Ako tuloy, hiyang hiya sa papa ko noong isang beses na nannood sya ng laro nila Cedric. Juico nang Juico ang emcee. Nakakahiya sa totoong nag mamay-ari ng Juico. Ang papa ko.

Naging makabuluhan ang buong month nila, ako hindi. May mga araw na nakatunganga lang talaga ako. July na ngayon, next month August! Last week of August makikita ko na naman ang white board sa room.

"Adal!"

Gusto ko maglaho bigla.

"Adal!"

Sana maglaho ako. Kaso hindi nangyari. Hindi ako naglaho.

Bumukas na agad ang pinto ko at dumungaw si Jayzel.

"lagi na lang mukha nya nakikita ko. Wala na bang iba?" mahina kong sabi bago sya masamang binalingan.

"Papasok?"

Bumangon ako at umupo. Pumasok naman sya at humiga.

"kapapalit ko lang ng bedsheet! Alis dyan!"

"Kaliligo ko lang"

"Kahit na! Alis!"

Bumangon sya pero hindi umalis, umupo sya sa pinakang dulo nitong kama ko.

"Bakit ka andito?" tanong ko

"Tara kila Cedric. Nagpla-plano sila na mag celebrate daw. Pare-parehas kaming walang magawa kaya..."

"Edi mag celebrate kayo, nambubulabog ka pa!"

"Sumama ka na, Ad. Kakain lang naman. Tsaka sabi ni tita sakin kanina, hindi ka lumalabas dito. Tara na" sabi pa ni Jayzel. Nagtatangka syang humiga, pinigilan ko agad.

"Ikaw MVP, bakit hindi na lang sa inyo? Para malapit?"

"Ayoko e. Tsaka malaki bahay nila Cedric. Wala rin mga magulang nya. Mas okay sa kanila"

Nasabi sa akin ng mama nya na aalis ulit sila. Dalawang buwan. Ako na raw bahala kay Cedric.

???

Pinasa pa sakin pagiging magulang.

hehe joke lang po.

"Ano Ad? Maligo ka na hihintayin kita"

"Anong maligo? Bakit? Sinabi ko bang sasama ako?" lito kong tanong

"Bilis na! Baka nag-uumpisa na sila doon-"

"Teka nga! Bakit mo ko pinagmamadali? Anong nag sisimula? Ngayon? Akala ko ba nag plaplano pa lang kayo?"

Nag maang maangan pa si Jayzel sa mga tanong ko

"Sabi nino? Ad naman, kaya nga ako nagpunta dito para sunduin ka na. Bilisan mo na"

Binato ko sya agad ng unan. Hindi nya inaasahan kaya nadali sya sa mukha.

"wag mo kong pinagloloko Jayzel! Sabi mo nagplaplano pa lang! Umalis ka na nga. Hindi ako sasama"

Biglang tumunog ang phone ko, kahit si Jayzel napatingin dito. Mas malapit sya sa kinalalagyan ng phone ko.

"Wag mong sagutin!" sabi ko nang makitang si Larence ang tumatawag.

Distracted Where stories live. Discover now