~~~~~Ano pa nga bang aasahan ko kay Cedric. Paladesisyon talaga kahit kelan. Sinabi kong pag-iisapan ko pero eto sya ngayon. Nasa labas ng bahay namin.
Supposedly wala akong pasok ng lunes. Wala naman talaga. Pero first day ngayon kaya kailangan lahat ng estudyante nasa school.
"Sabi ko pag-iisipan ko. Hindi ka naman nakikinig sakin."
"Nak umagang umaga inaaway mo si Cedric."
Hindi ko alam na nakasunod pala sa akin si mama.
"Hindi ko sya inaaway ma. Sinasabihan ko lang, masyado kasi syang paladesisyon lagi."
Pagkatapos akong yakapin ni mama, si Cedric naman ang sinunod nya.
"ingat pagpasok" sabi ni mama kay Cedric. Sakin wala man lang sinabi.
Nagpaalam lang sya at umalis na. Mangangapit bahay na naman. Aga aga.
"Dal-"
"Sshh! Lunes na lunes wag mong ubusin yung isang dangkal na pasensya ko."
Kahit sobrang lalim na ng titig ko sa kanya, parang wala lang sa kanya. Pinagbuksan nya na ako ng sasakyan.
"paladesisyon" mahina kong sabi pagkapasok ko ng sasakyan. Pumasok na rin sya at pinaandar na ang makina pero hindi pa tuluyang umalis.
"Ano?" tanong ko, dahil nakatingin lang sya sakin.
"Cedric hindi tayo makakarating ng school kung titigan mo lang ako-"
"Kung paladesisyon ako, edi sana tayo na ngayon. Baka sinabi ko na sa mga magulang mo na tayo na."
Saglit akong napatulala sa kanya, dahil sa lantarang nyang mga salita. There he goes again. He and his mischievous smile. I swear there's something in him every time his mischievous smile plushes on his face.
I fix my seat belt and look away. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina nyang pagtawa.
Edi ikaw na masaya ngayong lunes.
"Hindi naman kasi ganyan ang ibig kong sabihin."
Wala na akong pake kung narinig nya ko o hindi. Pinikit ko na lang ang mata ko. Ilang minuto pa ata kaming nakatigil dito sa tapat ng bahay namin bago ko naramdaman na umandar na kami.
Hindi kailangan sama sama ang magkakaklase ngayon. Basta raw maka attend lahat sa court. Ang dean ang magsasalita, hiwalay pa ang orientation na gaganapin sa kanya kanyang room. Puno ang court at kahit ang oval ay may mga estudyante rin. First and second year pa lang ito.
"Anong oras kayo?" tanong ko kay Cedric. Parehas kaming naghahanap ng bakanteng upuan sa court, medyo may sikat na kasi ng araw dito sa oval.
"After lunch"
After lunch pa pala, pero inagahan nya rin ngayon dahil sa sarili nyang desisyon na pag hatid sundo sa akin.
"Kasama ko si Vince, may gagawin kami sa office, ngayon"
Pinagtatakpan mo lang yung sariling desisyon mo.
Tumango tango na lang ako sa kanya at nauna na maglakad kaso hinawakan nya agad ang kamay ko.
"Wala ng pwesto sa loob ng court" nag-aalalang sabi nya sakin.
"Dyan ako sa gilid, dito sa oval. May malilim pa naman na mapwepwestuhan." itinuro ko sa kanya ang pwestong nakita ko. Nasa kabilang gilid. Nahaharangan ng building ang konting sinag ng araw.
Nakita ko na tinignan din ni Cedric ang pwesto na sinasabi ko. Hindi nakalagpas sakin ang pagsasalubong ng kilay nya.
"Doon na ko." paalam ko.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...