Distracted 13

12 1 0
                                    


~~~~~

"Oy!" tawag ko kay Jaylo na andidito sa terrace sa ikalawang palapag ng bahay nila Vince. Maya maya na daw sila magsisimula sa gagawin nila, sila ng mga ka group nya. Nasa baba ang iba at naglalaro ng video games, mga nagpupustahan na naman.

"Bakit?" tanong nya at saglit akong nilingon.

Umupo ako sa upuang nasa tapat nya at itinaas ang dalawang kong paa, niyakap ko ang tuhod ko. Nakatingin lang ako sa papel na nasa lamesa na paminsan minsan may sinusulat sya dito na, papalit palit ang tingin nya sa papel na nasa lamesa, sa gitna namin, at sa laptop na naka patong sa hita nya.

"tutunganga ka lang dito? Imbis na makipaglaro ka sa kanila?" tanong nya

Tamad akong tumango "ang dami nila doon, masyadong maingay"

Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya, ako naman kumuha ng papel sinusulatan ko ng kung ano ako

"kailan mo balak sabihin sakin yung gusto mong sabihin?" tanong ko, nanatili ang atensyon ko sa papel na pinatong ko sa hita ko. Sumandal ako sa upuan para hindi ako mahirapan

"hindi ko na sasabihin"

"gusto mo itusok ko sayo itong lapis?" inangat ko pa ang lapis na hawak ko. Tinawanan nya lang ako at nagpatuloy sya sa ginagawa nya

Bahala nga sya. Mukang namang hindi importante. Pero nakakapanibago sya this past few weeks. Minsan ko na lang sya makita sa dorm, sa school pag nakakasalubong ko sya hindi nya ko inaasar, inaasar pero hindi na gaya ng dati.

I didn't mean that I miss her, it just that, when you used to be with something, yung pang iinis nya, then suddenly it stop. We're not totally an enemy or rival, we're just teasing and annoying each other. Hindi rin ako naapektuhan, baka sadyang wala lang ako mainis sa dorm.

"Gusto kita"

"Hindi kita gusto" sabi ko sa kanya. Nag angat ako ng tingin sa kanya, kala ko nagsisimula na naman syang inisin ako pero hindi

Tinaasan ko sya ng isang kilay pero nanatili ang seryoso nyang tingin sakin.

Did I heard her right, right? Inantay ko kung mag kasunod na pang iinis yung sasabihin nya pero nag-iwas sya ng tingin.

Binaba ko ang papel na hawak ko at tiningnan na talaga sya.

"Gusto mo ako? Like romantically?"

Inilagay nya sa lamesa ang laptop at tumingin na sakin. She can't look straight, she's avoiding my gaze. So it's true.

"Jaylo, Gusto mo ako?" ulit na tanong ko. She nodded still not looking at me

There's a moment of silence between us. I'm just staring at her waiting for her to look at me, a minute passed

"Bakit hindi ka nagulat? Alam mo na?"

"Alam ang alin? Na may gusto ka sa akin romantically? Nope. Ngayon ko lang nalaman"

Hindi ako nagulat, ewan ko. Sa dami ba namang nagsasabi na gusto nila ako, wala na atang thrill sa akin kahit sinong umamin sa harap ko.

"H-hinda yan. I'm bi. I'm not straight like you or like Kahel. I like you, yes romantically..."

Wala akong masabi. Sinasabi ko lahat ng gusto kong sabihin, I maybe frank, straightforward person but in situation like this, ayokong makasakit, kailangan kong mag-ingat sa sasabihin ko. Tumango ako sa kanya para sabihing ituloy nya kung may gusto pa syang sabihin

"ten months, ten months since I, since I found that I like you. Noong una naa attract lang ako sayo, sa kung paano ka mag isip, paano ka mag function bilang ikaw. Attraction at first pero noong tumagal hindi ko na napigilan. I'm attracted at the same time, I like you." she stopped and shut her eyes for a second, ramdam ko yung kaba nya sa bawat salita na sinasabi nya

Distracted Where stories live. Discover now