~~~~~I'm ready to leave, ready to go home, gusto ko na talaga magpahinga at umuwi-
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa pinto, bumukas na agad ito.
Tuluyan syang pumasok pero nag-iwan ng konting awang sa pinto.
I don't know why he's here, wala naman na syang itatanong.
"I'...Im, I'm sorry. Sorry kanina sa pagtaas ng boses ko. Medyo deserved mo naman. Anong karapatan mong sungit sungitan ako, kinakausap naman kita. Ang ayos ayos ng mga tanong ko, hindi mo ko sinasagot nang maayos. Nang dededma ka rin." sabi ko, inunahan ko na sya
" Nag so-sorry ka o nangongonsensya? " tanong nya
" ikaw na bahala. Pati pagpili aasa mo pa sakin. " deretso kong sabi, hindi nakatakas sa akin ang ginawa nyang mariing pagpikit, hindi ko naman napigilan na pagtaasan sya ng kilay sa ginawa nya.
"Gusto kita makausap nang maayos" seryosong pagkakasabi nya, he looked at me with a hardened expression.
Gagalit ka na nyan?
"May sasabihin ka? Summarize mo na lang, uuwi pa kasi ako."
I saw how his eye softened
"Ngayon..? Ako na mag-uuwi sayo."
"Akala ko ba may sasabihin ka? Sabihin mo na. Tsaka kaya kong umuwi. May masasakyan pa naman dyan-"
"May masasakyan din siguro kanina. Bakit si Justin ang naghatid sayo dito?"
Hindi ko inaasahan ang deretso nyang pagtatanong. Hindi nya na ba mapigilan?
Umawang ang labi ko, handa na syang sagutin pero hindi nya na ako hinayaan. Tuluyan syang lumapit sa akin. Kinuha sa tabi ko ang paper bag at ang maliit kong bag.
" Tara na. Inaantok ka na. Iuuwi na kita, sa inyo."
"Adal hindi ka dito?" tanong ni Kael sa akin pagkalabas ko ng kwarto nya.
"Nasa bahay mga gamit ko. May pasok din ako bukas."
"Ingat pauwi" sabi ni Jaylo na mukhang antok na antok na rin. Dumeretso na sya sa kwarto nya.
Pinatay na ni Jeromy ang tv, tapos na silang manood."Sure kang may pasok ka na bukas?" pagtatanong pa ni Kael
" oo"
"Okay. Ako na ang naninigurado baka kasi hindi na naman ako tantanan ni Cedric."
Parehas kaming tumingin kay Cedric na nasa pintuan na. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang tsinelas na hawak hawak nya.
"kanina pa ba sya andito?"
"Nasa labas sya ng school namin kanina. Ako na ang nilapitan dahil wala ka raw sa school. " paliwanag ni Kael.
Wednesday ngayon, 3 p.m ang uwian namin, ibig sabihin ilang oras din syang nag-antay sa school. Idagdag pa ang paghihintay kay Kael na 4 p.m ang uwian.
" Ingat kayo! "
" Saan ka? Hindi ka sasabay? " tanong ko kay Jeromy
" May motor akong dala, Adal"
Akala ko sasabay din sya dito kay Cedric, may motor pala sya. Nagpaalam ulit sya sa amin at umalis na.
Kami na naman ni Cedric ang natitira. Kami na naman ang naiwan. Kami na namang dalawa.
Ayoko talaga ng ganito, ang tahimik namin sa sasakyan. Hindi naman kasi ganito ang nakasanayan ko. Pero kung ganito katahimik lagi, baka masanay na rin ako.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...