Distracted 34

9 0 0
                                    


~~~~~

Ilang minuto pa ako naupo dito. Gabi na at wala na atang mga estudyante. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Kung anong uunahin kong gawin.

Naisipan ko na lumabas na ng school, nagulat pa ako dahil naabutan ko si Wenard na nakasandal sa kotse nya. Kanina pa ba sya andyan

Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan "ano pang ginagawa mo sa loob? Bakit ngayon ka lang lumabas?"

Hindi ko naman alam na nag-aantay sya dito.

Kahit nag-aalangan, pumasok na ko.

Gusto ko na sana makauwi para makausap sila mama. Pero malas, dahil inabutan kami ng traffic.

"Wenard" tawag ko sa kanya. Kunot noo nya akong nilingon saglit. "Paano mo nalaman?"

"ikaw? Paano mo nalaman?" balik na tanong nya. Kahit papaano, mahinahon na ang boses nya.

"Nakita ko lang yung mga papel sa kwarto nila mama. Tinanong ko, sinabi na rin sakin ni mama."

Hindi ko alam kung alam ni Wenard yung buong kwento o yung part lang na mag pinsan kami.

"Inamin sakin ni mama kaninang pag-uwi ko."

Kanina lang nya nalaman. Sinabi nya agad sakin. Pero ako, matagal ko ng nalaman, pinatagal ko pa.

"Wenard sorry. I'm really sorry. It's okay if you hate me now. Hindi na... Hindi na kita mapipilit kung magagalit ka sakin o hindi mo na ko gustong maging kaibigan-"

"I'll will never hate you, Ad. I don't hate you...I just, I just hate that I can't have you. Kahit anong gawin ko, hindi talaga pwede."

"sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina. Pwede huwag muna nating pag-usapan? Hayaan muna natin sila mama ang mag-usap." pakiusap nya sakin. Tumango ako kahit hindi ko alam kung nakita nya. Sa kalsada sya nakatingin habang ako nasa labas ng bintana.

Dati sinasabi ko kay Wenard na ayokong may bago sa amin. Sa pagiging magkaibigan namin. Ngayon hindi ko alam kung gusto ko pa bang panghawakan yun. Magiging selfish lang ako kung pati sa nararamdaman nya ngayon pangungunahan ko pa rin. Unfair na nga ako para sa kanya, ayokong na dagdagan pa.

Kung anong mararamdaman ni Wenard, yun na yun. Hindi ko dapat pakielaman. Kung galit sya, galit sya. Kung iiwasan nya ko, okay lang. Kung hihilingin nya na wag ko na syang kausapin, gagawin ko.

"I'll never hate you...even if I act like I do." mahina nyang sabi.

Kung may hihilingin lang ako ngayon at tutuparin agad ng makakarinig sakin, yun ang, sana mawala na yung na nararamdaman ni Wenard. Sana mawala na agad kung ano mang nararamdaman nya sakin. Kung pwede, agad agad talaga. As in mawala na. Wala ng ititira.

Masyado kong pinanghawakan ang pagkakaibigan namin, lahat na lang kinokontrol ko. Pero nare-realize ko na, na mas magandang hayaan na lang sila, para hindi ako maging unfair. Hayaan sya na magalit sakin. Para kahit papaano hindi na ako maging unfair sa kanya. Kung ano mang magiging kahinatnan nitong pagiging magkaibigan namin, tatanggapin ko. Kahit ano pa.

Sa bahay na ako nagpaderetso. Pagkababa ko ng sasakyan, umalis na agad sya.

It's not your fault Wenard. We both didn't know that we're related. Wala kang ginawang masama. Hindi mo naman alam na pinsan mo ko. Hindi ko rin alam. Yung feelings mo andyan na yan matagal na. Yung pagiging mag pinsan natin, oo matagal na, since birth, pero ngayon lang natin nalaman.

Pero hinihiling ko na sana mawala na. Tuwing sinasabi ko sayong itigil mo na sinasabi mo sakin na lumala na. But this time, naniniwala akong, masasabi mo sa akin na wala na. Hindi lumala, kundi wala na.

Distracted Where stories live. Discover now