~~~~~Next month, finals na, after that, pageant. Ngayon lang talaga ako kinabahan nang malala. Wala pang december pero wala e, baka araw araw na kong kabahan nito.
Two weeks had passed, but nothing changed. We continued with what we were doing. During every break, dismissal, and whenever there was a chance, Cedric approached me to help with my studies. Sa mga araw na yun, wala naman napunta sa wala. Kapag may quiz, hindi man perfect scores, at least lumagpas ako sa passing score na binibigay sa amin. Pakiramdam ko nga bumabalik na ko sa dating ako, na kahit hindi mag review, matataas ang nakukuha.
Natural na matalino. Nabobo lang dahil kay Cedric. Pero tumalino ulit dahil sa kanya.
Nagpapasalamat ako kay Cedric, sobra. Mas madami syang nagawang reviewer ko kesa sa akin. Kahit mga lesson na bago pa lang ituturo, nakalagay na agad sa reviewer na ginawa nya. highlights, questions, examples, situational, different terms-kompleto yung ginawa nya. As in. Magaling sya. Kaya 'wag nyang guguluhin utak ko, baka mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan nya.
Pero tatlong araw na akong hindi sinasamahan ni Cedric sa ginagawa kong pag-aaral. He's busy with his own. May nga quizzes din sila and other activities na kailangan gawin. Dahil malapit na nga finals, we're all busy. Kahit si Jayzel na bigla na lang sumusulpot kung saan, hindi na ngayon.
"Adal and Justin! Tawag kayo sa avr." anunsyo ni Cheska
Nauna na ko lumabas, hindi ko na hinintay si Justin. Hanggang ngayon hindi kami nagpapansinan. Hindi nya na rin naman sinusubukan na kausapin ako, pabor sakin yun.
I didn't know that Justin was already following me. When I turned around, he almost bumped into me.
"sorry" he said
"Mauna ka na. Cr lang ako."
"Hintayin na kita."
Pinagkibit balikat ko lang ang sinabi nya, lumiko na ko at pumasok sa cr. As usual madaming tao, hindi naman na ata nawalan ng tao itong cr. Kahit gabi meron, ibang tao na nga lang.
Paglabas ko ng cr, andito pa rin si Justin. Talagang naghintay sya.
Announcement, reminders lang naman ang dahilan kaya kami pinapunta sa avr.
Mas lalo lang akong kinabahan sa ginawa nila. Pakiramdam ko bukas na agad ang pageant. Next week, balik practice kami. Hindi naman daw araw araw.
"Pwede raw ba mag patahi ng bagong swimwear?" tanong ko kay Miesy pagkalabas namin ng avr.
"Hindi na raw. Pero kung ikaw mismo makikipag-usap, baka magawan nila ng paraan. Bakit? Asan yung iyo?"
"Pakiramdam ko kasi hindi na kakasya sakin? Masikip?" yumuko ako at hinawakan ang dibdib ko , agad namang binaba ito ni Miesy at tumingin sa paligid.
Lately napapansin ko na lumalaki, okay na ko sa dibdib ko, I'm not a flat chested, and hindi rin kalakihan, sakto lang para sa laki ko. Lumilipas ang araw, may ibang bra na sumisikip. Tinatanong ko pa kay mama kung inaadjust nya yung mga strap hindi raw, o baka masyadong lumiliit dahil sa kalalaba, hindi rin daw. Hindi rin naman ako tumataba, so it's obviously my boobies gaining a lot.
Pinasadya lahat ng swimmer namin, kaya yung huling sukat sa akin, yung ang sukat ng gagamitin ko. Hindi ko naman alam na hindi matutuloy nung october, edi sana pinalagyan ko ng allowance.
"...hindi rin adjustable yung top natin. Ayoko naman na ipit na ipit yung akin. Hindi na ko comfortable sa ganun." dagdag ko.
"Hindi ka sanay?" tanong nya
I shooked my head then put my hands on my chest again, Miesy laugh at me while removing my hands again on my chest.
"Try mo kausapin si ma'am jean. But as far as I know, she won't allow those who want to have a change in their swimwear. Last year, pageant, ang daming nagtanong, but they all got rejected...maintain body blah blah. Pwede ka rin naman dumeretso sa pinag gawaan. Try mo? Samahan kita. "
YOU ARE READING
Distracted
Novela Juvenil~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...