~~~~~Nanatili ako dito sa kwarto ng mga magulang ko, balak ko silang hintayin at gusto ko malaman ang totoo. Kung tama ba lahat ng iniisip ko tungkol sa mga papel na andito sa harap ko.
Halos isang oras akong nag-antay sa mga magulang ko. Nakita ko ang gulat sa mukha ni mama nang madatnan nya ako dito sa kwarto nila. Tumingin sya lamesa kung nasaan ang mga papel tsaka ibinalik sa akin ang tingin.
"Adal.." tawag ni mama. Lumapit sya sa lamesa at kinuha ang mga papel, iniangat
"Nakita mo lahat?"
"nabasa ko rin po lahat. Pero papakinggan ko rin po yung paliwanag nyo. Bakit hindi nyo po sinabi sakin?"
Lumapit si mama sa akin at umupo sa tabi ko, nanatili si papa sa hamba ng pintuan.
"Pinsan ko si Wenard, tama po?" tanong ko, dahan dahang tumango si mama.
Pinsan ko nga si Wenard. Pinsan ko sya.
May parte sa akin na natutuwa ako pero mas lamang ang sakit na nararamdaman ko para kay Wenard.
"Kapatid ko ang mama nya. Ate ko si Joan." mahinang sabi ni mama. Hindi ako nagsalita, gusto kong marinig ang lahat kung paano, at bakit hindi ko alam. Wala akong alam na may kapatid si mama. Walang sinabi sa akin si lola, at si lolo noong nabubuhay pa ito.
" Tatlong taon ang tanda nya sa akin. Ate ko sya. Ang swerte ko dahil pinanganak akong andyan sya, na may ate ako. Mahal na mahal ko si Ate Joan. Mahal nya rin ako, alam ko...dati. Pero nawala na, hindi ko alam kung paano ko ibabalik. Paano ko ibabalik yung dating kami "
Inalo ko na si mama dahil maluha luha na sya habang nag kwe-kwento. Pinakita nya sa akin ang picture nilang dalawa, ang picture na nakita ko na kanina. Ngiting ngiti sila sa picture. Magkaakbay pa. Halos ipitin na nila ang isa't isa.
" 15 years old sya nang mawala na sya sa amin, sa akin. Nasabi ko na sayo na mahirap pa kami sa daga dati. Mahirap mabuhay. Sinabi sa akin ni mama na bilang sya ang ate sa aming dalawa, si ate ang kanilang mag pursigi habang bata pa sya. Para may mapakain sa amin. Gusto kong samahan si ate sa mga ginagawa nya, sa mga trabaho nya pero hindi ako pinapayagan ng mga magulang namin. Si ate na raw ang bahala sa lahat "
" Ma...ma alam kong mahirap ang buhay nyo dati pero mali yun. Hindi ba dapat sa pamilya nagtutulungan? Hindi pwedeng isang tao lang ang aasahan ng lahat? Sila lolo at lola? Okay lang sa kanila na ganoon agad ang karanasan ni, ni Tita Joan?" tanong ko.
"May sakit ang lolo mo noon, hindi na kaya mag trabaho. At pinabayaan na lang nya si mama na mag desisyon para sa amin ni ate. Ang lola mo ang mag-aalaga daw sa akin. Hindi ako pumayag. Pinilit ko sya na sasama ako kay ate. Masama na akong anak pero noong oras na yun, handa akong piliin ang ate ko. Pero wala akong nagawa. Si Ate ang nagtaguyod sa amin. Pinag- aral nya ko. Pero hindi ko tinapos, tumigil ako kasi awang awa na ko sa kanya. Nag trabaho ako ng hindi nila alam. Simula noon, habang na dagdagan ang edad namin ng ate ko, nadadagdagan din ang taon ng hindi namin pagkikita at pag-uusap ni Ate."
" Pagkatapos ng ilang taon na hindi namin pagkikita, umuwi sya sa bahay. Nagalit sya. Nagalit sya nang madatnang okay na kami. Maayos na ang kalagayan ng buhay namin nila mama. Nagalit sya sa amin, galit na galit sya. Pinabayaan daw namin sya, hinayaan ko raw sya. Pero hindi totoo yun. Ilang beses kong sinabi sa kanya na araw araw kao syang inaantay sa may kanto, gabi gabi, tuwing madaling araw. Araw araw ko syang tinatawagan kahit hindi sya sumasagot. Ilang beses kong sinabi sa kanya yun pero hindi sya naniwala. Tinaboy nya ko-"
" Ma... "niyakap ko si mama. Wala akong maitutulong kay mama ngayon kundi ang yakapin sya. Iyak nang iyak si mama. Nagsisimula na rin lumabo ang paningin ko.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...