~~~~~"Ingat!"
Hinatid ko lang sa sakayan si Remi, sinamahan ko sya magpasukat. Sumakay na rin agad ako para makapunta kila Larence.
Pagkarating ko sa court, naglalaro silang lahat. Kulang pa sila ng isa para masabing isang team na sila. Pero okay na yan, magagawan naman ata ng paraan ng ninong ni Larence.
Naupo lang ako sa stage, hinayaan ang paa kong nakalaylay. Andito kami sa barangay namin kaya iba ang court, hindi ito court kagaya ng kila Larence na may long benches. Dito stage lang ang mayroon. Nilabas ko lang ang phone ko at nililibang ang sarili.
"Ad!"
Napatingin ako kay Vince na tinawag ako. Tumigil muna sila sa paglalaro. Ang iba sa kanila ay umupo sa sahig. Si Wenard at Vince naglakad papunta dito sa akin.
"Asan na pagkain namin?" birong tanong ni Wenard.
Papalapit sakin sila Wenard pero wala sa kanila ang paningin ko. Tumatagos ang tingin ko sa may bandang likod nila, sa gitna ng court kung nasaan ang iba. Kung nasaan si Cedric.
Nakita ko si Cedric na umupo na rin sa sahig, ang palad nya ay tinuon nya sa sahig. Kitang kita ko ang mabilis nyang paghinga, hinihingal pa sya at pawis pa.
Hinangod nya ang buhok nya pero may ilang parte ng buhok nya na bumabalik sa noo nya. Kitang kita kung paano bumuka ng bahagya ang bibig nya para tumawa, yung mata nya na medyo lumiliit dahil sa pagtawa nya sa kung ano mang sinasabi nila Larence.
Kahit mainit at kitang kita na pawisan sya bakit ang presko nya pa ring tingnan. Sa tuwing hinahagod nya ang buhok nya mas lalo lang syang nagmumukang presko.
Patuloy pa rin sya sa pagtawa, bigla akong nagulat dahil sa pagbaling nya sa akin. Ang bilis, ang bilis ng pangyayari, bumaling sya sa akin at kinindatan ako. Kitang kita ko! Kahit na tumatawa sya, kitang kita ko ang pagkindat nya sakin. Hindi ako ang naglaro pero pakiramdam ko bigla ang init, lalo na sa bandang mukha ko. Hindi ko alam kung may mas nakakatawang nabanggit si Larence dahil mas lalong ngumiti si Cedric.
"Ad..."
"ha?" mabilis akong bumaling kay Wenard na katabi ko na pala.
"Sabi ko kung gusto mong sumama, may bibilhin lang kami"
Kanina pa ata ako tinitingnan ni Wenard."Saan?"
"Adal okay ka lang? sa tindahan malamang. Tara na" sabi naman ni Vince. Tumalon ako para makaalis dito sa stage. Sumama na ko sa kanilang dalawa ni Wenard. Narinig ko pa na tinatawag kami nila Jayzel, pero hindi na ko lumingon sa kanila.
"Ad okay lang sa inyo kami managhalian mamaya?" tanong ni Vince.
"meryenda pa lang oh, tanghalian na agad nasa isip mo" sabi ko kanya, habang nilalagay sa plastic ang mga inaabot sa akin ni Wenard.
"Syempre para masabihan mo na si tita hahah. Sa inyo kami ha. Malapit lang naman yung inyo dito"
"Kila Jayzel na lang"
"Sa inyo na. Papayag naman siguro si tita" ani Wenard.
Naisip ko bigla si mama, naalala ko pati na agad umalis si Wenard noing nakaraan. Gusto makita ni mama si Wenard. Kahit man lang si Wenard na anak ng ate nya ay makasama at makausap nya.
"sabihan ko si mama" sabi ko sa kanila. Tinext ko na agad si mama, sinabi ko na sa bahay silang lahat manananghalian. Hindi na nakakapagtaka na pumayag agad si mama.
"Sabihin nyo kay Jayzel ayaw syang makita ni mama" biro ko kila Vince. Pero pagbalik namin sa court, talagang sinabi nila kay Jayzel. Eto ngayon si Jayzel dikit na dikit sakin.

YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...