Distracted 24

11 1 0
                                    


~~~~~

Sa likod daw sa may cottage andoon sila. Papunta na sana kami doon nang makasalubong namin si Trey na andito sa kusina.

Nawala yung ibang inis at irita ko kay Trina, napunta lahat dito kay Trey.

"Happy birthday Kahel!" bati nya, pinasalamatan naman sya ni Kael, labag pa ng ata sa loob nya. Hay naku Kael meron pa sa likod na mga taong labag din sa loob mo.

"Adal-"

"Yung pusta ko hindi aalis sa hindi ka sasagutin ni Trina" sabi ko, hindi ko na sya pinag bigyan pa tapusin yung sasabihin nya

"Sinong kapustahan mo?" natatawa nyang tanong. Pinauna nya kami sa paglalakad. Ganoon din si Jeromy na tumabi kay Trey na nasa likod.

"Etong mga to. Lahat kami actually" sabi ko, sumang ayon si Jeromy at Jaylo. Kahit walang alam si Kael, pinatango ko sya.

Lumabas na kami dito sa pinto sa may kusina. Hindi naman kalayuan ang venue. Isang malaking cottage ang natatanaw ko, para syang gawa tulad ng sa isang kubo. Sa cottage andoon lahat sila. Tumigil pa si Kael nang makita nya kung sino ang mga nag-aantay sa kanya.

"sino bang may birthday?" tanong nya

"Madaming pinahanda sila Tito. Hindi ka naman papayag na mg kaklase mo ang papuntahin. Kaya sila na lang" paliwanag ni Jeromy. Tumango naman si Kael, nakahinga kami ng maluwag akala namin hindi sya papayag. Pero okay na rin na may bisita sya, at kahit papano kilala nya tong mga andito. Mga kaibigan ko na nakakausap nya at kaibigan nila Jeromy.

"Hindi naman siguro nakalimutan ni Cedric kung sino may birthday diba?" sabi ni Trey

"Bakit?" nagtaka si Jeromy

Napatingin naman ako kay Cedric.

"Sa tingin nya pa lang, parang si Adal yung gusto nya salubungin ng yakap at babatiin nya kahit hindi birthday ni Adal-Aray! gago naman! Para saan yun?"

Hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya ni Jeromy, pero gusto ko rin syang saktan dahil sa sinasabi nya. Iniwas ko agad ang tingin ko kay Cedric. May aalis dito, hindi si Kael, ako.

Bumati muna si Jaylo sa parents ni Cedric. Kilala na pala sya nito. Malamang magkakaibigan sila nila Cedric. Hindi ko alam gagawin ko, hindi naman nila ako kilala, nginitian ko na lang sila, laging ginhawa ko na nginitian din nila ako.

" Happy birthday Kahel... "lumapit sa kanya ang tito at tita nya. Parents ni Cedric. Lumayo muna ako ng kaunti sa kanila para mayakap at makausap nila ng maayos si Kael. Pinalilibutan namin si Kael. Sinuotan sya ni Jeromy ng party hat, ganoon din sakin, si Wenard ang nagsuot sa akin. Ngayon ko lang napansin na may mga suot pala sila.

May mga personal na sinabi ang tito ni Kael sa kanya, at nang nagyakapan sila unti unti na kami kumanta ng happy birthday.

"Ikaw maghawak" sabi sa akin ni Kris at binigay sa akin ang cake na may greetings for Kael.

Kung alam nyo lang po parang isang cake na rin yung kinain ni Kael sa dami nyang kinain na sweets kanina. Pero sure naman ako hindi ito palalagpasin ni Kael.

Dahil nasa akin ang cake, humarap sa akin si Kael at ang tito at tita nya. Kulang na lang ako ang mag blow ng candle, ako na ang may birthday, may suot pa akong party hat. Kay Kael ko na sana ipapahawak pero hawak ng tito at tita nya ang kamay nya.

"Happy birthday" mahinang bati ko ulit kay Kael at nginitian sya, nginitian nya rin ako bago ituon ang tingin sa candle.

"Happy birthday!!" everyone cheered when Kael blew out the candle.

Distracted Where stories live. Discover now