~~~~~"I love you?"
"Nakalimutan ko ilagay. I love you."
Nagpipigil ako ng tawa dahil sa reaction ni papa. Taka ito at nakataas ang isang kilay. Hindi sya nakikita ni Cedric dahil, sa akin nakaharap si Cedric, nasa bandang gilid din si papa sa bintana.
"Pa, I love you raw sabi ni Cedric." hindi ko na napigilan ang pag tawa.
Napalingon agad si Cedric sa likod nya, gulat ito pero agad din nakabawi, si papa nanatili sa ganoong reaction, walang pagbabago.
Binalingan ako ni Cedric, wala akong masabi, bahala ka dyan, natatawa pa rin ako.
Umayos sya ng upo at nilingon ulit si papa, " I love your daughter po"
"Kayo rin po, mahal ko po kayo ni tita. Anak nyo po si Adal. Mahal ko po kayong lahat. Pero iba po yung pagmamahal ko sa anak nyo."
"You're late, Adal Juico." bungad sa akin ni Remi.
Akala ko andito na si ma'am. Pagbaba ko ng sasakyan ni Cedric nagtatakbo na agad ako papunta dito sa room. We're both late. Swerte ko dahil wala pa kaming teacher ngayon, ewan ko lang kay Cedric.
"Nakapag review ka?"
"ata??"
Mas lalong nalungkot ang mukha ni Remi dahil sa sagot ko.
Nag review? Nabasa ko naman na yung lesson, yung ineedit ko kahapon, buti na nga lang yun yung subject ngayong umaga. Binasa ko rin yung isang subject na dala ni Cedric kanina.
"Andyan naman si Trina, sa kanya ka muna magtanong."
"Ngayon pa nga lang nag re-review oh!" nginuso ni Remi si Trina, nakayuko dahil sa binabasa nya.
So paano na kami ngayon?
Bahala na. Madami dami pa naman itong stock kong knowledge.
"Bakit?"
Inilabas ko ang tatlong quizzes ko. Inilapag ko sa lamesa, sa harap namin ni Cedric.
"two mistakes yung isa. Yung dalawa, hindi na naman nangalahati yung scores ko"
Kung ano pa yung sarili kong ginawang reviewer, kung ano yung binasa ko kaninang umaga, yun pa ang kabilang sa subject na hindi nangalahati ang scores ko.
Yung kabibigay lang sakin ni Cedric na reviewer na ginawa nya, kababasa ko lang din kanina, doon pa mataas ang score ko.
"hindi pa naman natin nagagawan ng reviewer itong isa diba?"
"oo itong isa. Pero dapat mataas pa rin scores ko, lahat naman yan na discuss...na raw?"
Hindi na naman ata ako nakinig.
"tsaka itong dalawa, lalo na itong isa na ako na ang gumawa ng reviewer, dapat na perfect ko yan, e hindi pa rin!"
"Ano na gagawin ko? Feeling ko nga dumadami yung quiz namin dahil sakin. Pinagbibigyan ata ako, pero waley, ni hindi umaabot sa passing score o kahit half score yung nga scores ko! Kahit perfect ko ang finals namin, baka hindi mahatak ang grade ko kung puro palakol ang quizzes ko!"
" Tutulungan kita. Sinabi ko na kahapon, tutulungan kita. Malayo layo pa ang finals, madami pang araw para mag - aral. " sabi ni Cedric sa akin.
Naglabas sya ng paper and pen.
" Okay lang sayo kung mag gawa ako ng schedule? "
" para saan? "
" Kung kailan tayo mag-aaral, mag re-review... "
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...