~~~~~Hindi sana ako uuwi dito samin kaso pinauwi ako ni papa. Dalawang beses lang kasi ang nakauwi dito sa loob ng isang linggo. My papa knows that I'm staying with Khael and Jaylo. Actually both of my parents, they know and they okay with that. At least umuuwi pa rin daw ako dito sa sarili naming bahay. My mother is in abroad. They know everything that I did back then and what I'm going to do everytime na wala ako sa bahay. Pero syempre hindi nila alam yung part na tungkol sa pag papanggap na ginawa namin dati at noong nakaraan.
Maayos naman ang relasyon ko sa mga magulang ko pero hindi ko pa rin maiwasan magtampo kay mama. Grade 8 pa ako noong umalis sya at hindi pa rin umuuwi dito. Minsan ko nang tinanong si papa kung may problema sila, wala naman daw. Naniwala naman ako tsaka araw araw naman silang magkatawagan, panatag na ko dun.
Si papa may dalawang talyer dito samin, kumikita naman tsaka hindi naman masyadong magastos yung pag-aaral ko, kaya hindi ko pa rin maintindihan bakit hindi magawang umuwi ni mama. Tinanong ko na din si mama kung may lalaki sya, wala daw. Edi wala. Pero nagtatampo pa rin ako sa kanya. Ang tanging hiling ko na lang sa kanya ngayon sana sa graduation ko ngayong college umuwi sya.
"Adal sasama ka ba sa talyer?" tanong ni papa
"Hindi po. Dito na lang muna ako sa bahay maglilinis" sabi ko kay papa. Para naman makabawi ako sa mga araw na hindi ko inuwian itong bahay.
Nagpaalam na si papa at umalis na. Katatapos lang namin magsimba. Nakita ko si Jayzel sa simbahan. Kasasabi ko lang sa kanya noong friday na wag syang papakita sakin e. Linggong linggo naiinis ako. Saming lima kami ni Jayzel at Vince ang magka baranggay. Si Larence sa kabila at si Wenard sa ibang lugar. Malayo si Wenard samin. Napag alaman ko din na kabaranggay ni Larence si Jeromy. Kahapon kasi magkakasama kaming tatlo. Dumaan lang talaga ako kila Larence, hindi ko naman alam na andun si Jeromy.
Four hours, sana naman sa four hours na yun matapos ko ang paglilinis pati na rin ang paglalaba. Magkikita kasi kami ni Khael mamayang hapon . Hahanap kasi akong trabaho, boring na kasi buhay ko. Tsaka ang dami kong gustong bilhin, ayoko humingi kay mama.
Nagpagpag, nagpunas, nagwalis, naghugas at naglaba pati na rin ang mga punda at kumot nilabhan ko na para wala na gagawin si papa. Baka kasi hindi ulit ako umuwi dito. Pati mga pinggang hindi nagagamit pero nakalabas hinugasan ko na rin. Nagpunas na rin ako ng bintana at nagwalis sa buong gilid ng bahay.
Hindi naman mahirap linisin ang buong bahay. May second floor bahay namin pero hindi ito kalakihan. Sa taas dalawang kwarto at isang cr, sa baba, sala, kusina, cr, at sa likod ang labahan. General cleaning ang ginawa ko. Nagsimula ako maglinis 9 a.m, mag aalauna na ako natapos, ang bagal ko kumilos!
Wala na kong time magluto, yayain ko na lang kumain si Khael sa tabi tabi. Naligo na ko pagkatapos kong magpahinga. Mamayang gabi na lang ako magbabasa.
"sakit ng katawan ko" bwisit. Pahinga dapat ako ngayon. Kahapon nakapag pahinga ako. Baliktad pala, dapat kahapon ako naglinis at ngayon ang pahinga. Sakit ng katawan ata talaga gusto ko.
"Manong sa talyer po" kilala na ko ng mga driver dito samin, kaya alam na rin nila kung nasan ang talyer ni papa. Sa malapit na talyer lang ako, hindi doon sa malayo. Maliit lang yung andun at kumpare ni papa ang tumatao.
Tumawag sakin si papa kanina, nalaman nya na hindi ako nakapag luto at hindi pa kumakain kaya doon nya ko pinapapunta.
"Pa!" sigaw ko pagbaba ko ng tricycle
"ingay talaga"
Agad akong napalingon sa kung sino nagsalita, nakita ko si Jayzel na nakaupo sa mahabang upuang kahoy. Naka white sando sya at black short, may nakasampay na black t shirt sa balikat nya. Batang elementary ba sya

YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...