Distracted 58

10 0 0
                                    


~~~~~

Dissapointed. Ganyan kami lahat, disappointed. Supposedly this coming saturday ang pageant, after ng exam week namin. Kahapon, wednesday, pinatawag kami lahat, and it's moved on December. One night na lang. Hindi nasunod ang original sched na this Saturday ang first night, december ang coronation. But things got changed. Wala kaming magagawa. Na-move na. Final na. December ang pageant namin.

Na-prepared ko na lahat. Tinaranta ko pa sarili ko para lang maging maayos lahat. Ready na ako actually. Pero anong magagawa ko. Hindi ako ang officers, hindi naman ako ang may hawak ng buong department namin. No choice, kundi sumunod. Okay lang sana kung sinabi nila two weeks before or month before! Pero kung gantong days before, ay naku! Gusto ko mag back-out.

Other candidates also can't hide their dismay, kung anong nararamdaman ko, pinagdaanan ko, ganoon din sa kanila. Sa iba, malala pa. May pumunta sa office, pinilit kausapin ang head officer ng department namin. Pero wala, December na talaga. They said because of sponsors, funds, and some judges have an other important schedule on that supposedly "day". Pwede naman sila maghanap ng ibang judges!

December. After na naman ng exam! Hilig talaga nila magpakaba nang magpakaba. Hindi ko alam kung matutuwa ako, ang date na sinabi nila kung kailan gaganapin ang pageant ay mismong araw rin ng birthday ko.

"Okay ka pa?"

Kael handed me a bottle of water.

After that "away kuno" happened to us, I chose to spend my free time here. Dito sa school nila Kael. Hindi na ako tumatambay sa oval namin o kahit sa library. Ayoko.

"gusto ko na lang maging kinder ulit."

"Hindi ba mas okay yun? Na-move yung pageant..."

"prepared ako. October ngayon, December pa, paano kung makalimutan ko lahat ng inaral ko? Simula sa paglakad, yung talent."

Pinag-kibit balikat lang nya ang sinabi ko at naglabas sya ng pagkain galing sa paper bag na dala nya. May dala pala syang pagkain, bakit tubig lang iniabot nya sa akin!

"Mag-kaaway ba kayo ni Cedric? Naguguluhan na kasi ako"

Ako rin, Kael. Gulong gulo na.

Cedric is still Cedric. Hatid sundo pa rin ako. Kahit na kila Kael ako, sa dorm nila. Yun lang. Hatid sundo. Parang driver lang ang ganap nya.

"Hindi ko sure kung away yun. Masyado kasi syang seryoso. Ewan ko sa kanya kung anong trip nya sa buhay nya!"

"Pero nililigawan ka pa rin nya diba?"

"dunno. Ligaw ba yun? Parang nag hire lang ako ng driver na hindi pwedeng pakielamanan ang personal space ko." sabi ko. Pinagkatitigan naman ako ni Kael na ipinagtaka ko.

"Ano bang gusto mong ligaw?"

"ligaw. Normal na ligaw? Kahit ano basta nanliligaw! Hindi yung driver, bwisit.... yung ginagawa nya noong dati, noong mga nakaraan" pahina nang pahina ang boses ko, iniwas ko rin ang tingin ko kay Kael.

"Gusto mo na nililigawan ka nya? Gusto mo yung mga ginagawa nya? Miss mo?"

Akala ko nang-aasar si Kael dahil sa mga tanong nya, but looking at her right now, she's serious.

"Gusto mo na nililigawan ka ni Cedric. Ibig sabihin may chance na sasagutin mo sya?"

Ewan.

Crush ko si Cedric. Normal crush. Hinahangaan, sa kilos at mga galaw nya. Gwapo sya. That's it. Ganyang crush lang. Hindi yung aabot sa point na, mangingisay ako kapag nilalapitan nya ako.

Distracted Where stories live. Discover now