~~~~~"Hindi pa ba kayo sasabay samin?" tanong ni Jeromy. Andito sila ni Cedric sa dorm. Mamaya na ang laro nila. Hindi ko alam kung bakit dito sila dumeretso pwede naman doon na kila Larence.
"Mainit. Mamayang hapon pa naman yung inyo" sabi ko.
Actually kagabi pa ako kinukulit nila Larence na agahan ang pagpunta. Kaso ayoko talaga. Kaya binilin ko na lang sa kanila si Remi.
"Asan jersey nyo?" tanong ni Kael sa dalawa. Tinuro naman ni Jeromy ang bag nila.
"Hindi pa ba kayo aalis? Baka hinahanap na kayo ni Larence"
"Ready na ko" sabi ni Jeromy at tumayo na mula sa pagkakasintas ng sapatos nya. Parehas sila ni Cedric na naka t-shirt pa, hindi pa suot ng jersey. "ikaw Ced?"
"okay na." sabi naman ni Cedric at tumayo na rin.
Pumunta na sa pintuan ang magkapatid,
"Hindi pa ba talaga kayo sasabay samin?" tanong sa akin ni Cedric
"Hindi."
"Walang maghahatid sa inyo doon"
"may masasakyan kami...alis na siguradong hinahanap na kayo ni Larence" pagtataboy ko sa kanila.
"Wala raw bang goodluck Adal?" natatawang tanong ni Jeromy
"Bakit? Maglalaro na ba kayo?"
"o mamaya raw Ced hahaha. Pati raw ba goodluck kiss-"
"gago"
Bwisit na Jeromy nahahawa na kay Trey.
Tinulak na ni Cedric si Jeromy para makaalis na.
"Bakit ang laki ng jersey mo?" lumingon ako kay Kael na hawak hawak ang jersey na pinagawa ko rin.
"Hindi yan malaki. Tsaka mas gusto ko yung size na ganyan hindi hapit sa katawan ko."
"Ay Kael I have a surprise! Hahahah pinagawan rin kita. Okay lang?" tanong ko at dumeretso ako sa bag ko kung asan ang jersey nya.
"Andyan na yan. Patingin"
Pinakita ko sa kanya ang jersey. Muntik ko na ngang Braga ang masabi kay Mang Lar. Buti naalala ko bigla kay Jeromy ang Braga, Cariaga ang kay Kael.
"Kaso walang number."
Ala-una pa lang ng hapon. Mamayang alas-tres kami pupunta ni Kael. Imbis na tumunganga parehas kaming natulog ni Kael.
"May ma pwe-pwestuhan pa ba tayo doon?" nag-aalang tanong ni Kael.
"Oo. Sabi ni Larence meron. Kapag wala, uuwi na tayo"
Ayoko rin namang makipagsiksikn kapag wala kaming maayos na pwesto.
I took my high waist skinny pants out of Kael's closet. Gusto ko sanang mag denim skirt kaso baka lamukin lang ako. Sinuot ko na rin ang jersey.
"twinning!"
Hindi ko alam na nakapantalon din pala si Kael, nakabihis na rin sya. Pinatirintas ko sa kanya ang buhok ko, yung lagi nyang ginagawa sa akin.
Bago kami umalis nag-picture muna kami ni Kael. Nag text na rin ako kay Larence na papunta na kami.
" Bakit ka may bag?"
"Nagdala akong jacket" sabi ni Kael. Sinukbit nya na ang maliit nyang bag. Ako na walang dala. Yung wallet ko pinalagay ko sa bag nya, tanging phone ko lang ang hawak ko. Umalis na rin kami ni Kael, apaka oa kasi ni Larence sa reply nya sa akin. Parang hindi sila makaka paglaro kapag wala kami.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...