Distracted

25 0 0
                                        


Nothing else matters, nothing else sees. Only the love that you and I breathe.

~~~~~

"So what's the plan?"

I already gave her the ring. She accepts it. Wala na akong ibang plano, maliban lang sa kanya. Sya ang plano ko.

"Marry her. Spend the rest of my life making her happiness my forever priority. Love her until forever runs out." 

Pagkatapos ng nangyari kanina, we're back where we left off, as if nothing happened. Panay tanong ang mga kasama namin sa lamesa kanina, tanging ngiti at tawa lang ang naibigay naming sagot ni Dal. Masyado kaming masaya para mag-isip ng isasagot sa kanila.

"Lanya Ced! baka meroong kang girl version? Oo o hindi lang. Ako na bahala maghanap sa kanya."

"Kung meroon man, baka kay Adal din 'yun mahulog." sagot ni Trey kay Dan.

Tama sya. Kahit anong version ko, kay Adal lamg mahuhulog.

Dal playing volleyball with Trina, Remi, Jayzel, Vince, and Kris. Yung mga kasama ko ngayon dito na nakatanaw kila Dal na naglalaro, yung bola ang sinusundan nila ng tingin. Habang ako, si Dal ang sinusundan ko ng tingin. Wala ng mas sasaya kapag nakikita mo yung taong gusto mo na masaya. Doble yung sayang mararamdaman mo.

"Alam nila tita?" tanong ni Wenard.

Tumango ako, "Alam na nilang lahat. Sorry hindi ko nasabi sa inyo agad."

"Hindi mo kailangan mag sorry."

"Alam ni tita? tito?"

"Kasasabi lang Larence." sabi ni Wenard sa kaibigan

"Woah. Cedric. Lakas mo. Ano ka Trey? Di mo magawa noh?"

"Paano gagawin, e hindi nga sure kung gusto ba talaga sya ni Trina."

Hindi namin mapigilan hindi mapailing at mapatawa sa sinabi ni Dan

"Diba Trey, hindi pa close sina Ad tsaka Cedric, nililigawan mo na si Trina? Ano na? Road to forever na yung dalawa. Ikaw?" dagdag pa ni Jeromy

"Tangina nyo."

"Karma tawag dyan." sabi pa ni Larence

"Kakarmahin ka rin!"

Parang umamin na rin sya na karma ang nangyayari sa kanya.

"Hindi. Pagkatapos nila Ced, ako ang susunod—

" Larence! Si Jayzel! "

Mula kay Larence, sabay sabay kaming lumingon kila Dal, dahil sa pagtawag nito.

" Susunod ka agad? May mga anak ka pang makukulit. "

" Si Cedric na bahala kay Ad, dyan kay Jayzel, ewan ko lang."

"Larence!"

"Ad! 'wag ako nang ako! Nagseselos na si Cedric!" balik na sigaw ni Larence, sabay tingin sa akin.

Pinagmasdan ko kung anong magiging reaction ni Dal, kung anong sasabihin nya. Tumigil sya sa paghahabol kay Jayzel at seryosong nakatingin dito.

Distracted Where stories live. Discover now