~~~~~Tahimik kami sa loob ni Cedric hanggang sa bumalik na ang teacher. Mabilis akong pumirma at lumabas na. Nakasunod sakin si Cedric. Nakasalubong pa namin si Trina at Vince na kasama si, si Larence.
"okay na raw?" tanong ni Vince pero nilagpasan ko lang sya.
"Ad" narinig kong tawag ni Larence.
Hanggang sa makabalik kami ni Trina sa room, nakasunod sakin si Larence.
"okay ka lang ba?" tanong ni Trina. Tumango ako sa kanya.
Nakita kong pumasok si Trey at lumapit kay Trina. Nagpaalam ako kay Trina na lalabas lang.
"Sinabi nila sakin yung nangyari" sabi sakin ni Larence.
"Pasalamat ka hindi ako guidance teacher, baka pinag hawak na kita ng walis" biro ni Larence sakin. Naaalala ko bigla yung mga high school pa kami.
"Kala ko ba wala sa bokabularyo mo ang manakit? Physically? Naalala mo yung high school na may kasagutan ka? Tinanong kita nun kung bakit sobrang sakit ng mga sinasabi mo sa kaaway mo, sinagot mo sakin, dahil ayaw mo sampalin."
"Hindi ko na napigilan. Alam mong mabilis akong mainis, nawawala agad yung pasensya ko. Ewa, baka sa sama ng loob ako pinag lihi...Hindi ko na talaga napigilan kanina." paliwanag ko kay Larence.
"Hindi ka naman malandi, Ad, hindi ka rin pumapatos ng kaibigan. At hindi mo kasalanan na madaming nakakakilala sayo. Yung mga sinabi nya, hindi totoo. Pero masakit. Kilala kita, alam kong mapapalagpas mo kapag sinabihan kang masungit at mataray pero yung mga sinabi sayo kanina, alam kong hindi mo yun palalampasin."
" Sinabi sakin ni Cedric na mali yung ginawa ko. Dapat hindi ko na raw pinatulan...mali ba na pinagtanggol ko lang sarili ko?". tanong ko kay Larence
" Mali na manakit Adal. Mali rin ang pinag sa sabi nya sayo. Dapat kinausap mo na lang. Pero ikaw yan e, ikaw si Adal. Alam kong papatulan mo talaga. Pero tama si Cedric. Mali yung ginawa mo, pero hulaan ko, sinabi rin nya na hindi lang ikaw ang mali?"
Tumango ako sa kanya.
" Tama. Parehas kayong may mali. Pero tingin ko mas mali yung nakaaway mo. Sinong tangang bigla ka na lang haharanagin? Hahaha. May sinabi pa sakin si Vince! Tawang tawa pa sya habang sinasabi sakin! "
" Ano? "
Kapag talaga sila, lahat nauuwi sa tawa.
"Sinabi raw sayo na pinapakita mo raw kung gaano ka panget asal mo. Tas sabi mo raw. Oo! Kasing panget ng mukha mo! Hahahah. Sinabi mo talaga yun?" natatawang tanong ni Larence
"Oo"
"Savage dude! Hahaha. Nanghihinayang pa si Vince kasi hindi raw nya na i-video"
"Mga baliw talaga kayo."
"Tara na sa canteen. Libre na kita" sabi ni Larence at inakbayan na agad ako
"Kelangan ko pa bang makipag - away para lang manlibre ka?" biro kong tanong sa kanya.
"Hindi. Tumigil ka na Adal. Ililibre kita, hindi mo na kailangan makipag-away!"
"bait naman!"
"Sa oval na lang tayo Larence" sabi ko kay Larence pagdating namin sa canteen. Nakita ko agad sila Vince.
"Bakit?"
Hindi ako sumagot.
"Si Cedric ba? Bakit?" Nakita nya ata kung saan ako nakatingin. "May iba pa ba syang sinabi sayo?"
Naalala ko yung ginawa ko sa kanya. "ano...kase, hindi ko naman sinasadya! ilang beses ko kasi syang nasigawan kanina." pag-amin ko
"Bakit sya ba ang kaaway mo kanina! Ikaw talaga. Tara na. Hindi naman ata sya galit sayo. Hindi nya ata magagawang magalit sayo."

YOU ARE READING
Distracted
Fiksi Remaja~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...