Distracted 15

11 1 0
                                    


~~~~~

"sorry" Zedric said.

Kaaalis lang ng librarian, akala ko paaalisin kami buti na lang hindi.

Habang nag-uusap sila ng librarian binasa ko itong libro na nakuha ko at medyo nag enjoy na akong basahin ito.

"Adal"

"hey"

Kulit. Hindi makaramdam na ayaw ko na ng kausap.

"ano"

"yung nireject mo..." nag aalangan pa nyang sabi

"sino?"

"sinabi mo kanina, ituloy mo"

"alin?"

"yung sinasabi mo kanina"

"na ano?" pinipilit ko na hindi matawa sa ginagawa ko. Umiwas sya ng tingin at binalik agad sa akin. Pinag taasan ko sya ng isang kilay, may umusbong na pilyong ngiti sa kanyang labi

"wala, kalimutan mo na yun" sabi ko at nag-iwas tingin. Yumuko ako at tiningnan ang libro sa lamesa ko.

"Gusto ko malaman" rinig kong sabi nya. Lumingon ako sa kanya, wala na pilyong ngiti nya, seryoso na syang nakatingin sa akin.

"ano, may umamin sa akin, I rejected them. Hindi naman ako guilty. Pero tingin ko sa sarili ko ang unfair ko. Pero diba kapag unfair ka parang nag-guilty ka na rin? Pero promise hindi ako guilty sa ginawa ko. Ang unfair lang tingnan kasi, hindi sila nagagalit sa akin, parang okay lang sa kanila yung ginawa ko. Confidence din yung nawala sa kanila. Ang hirap ka yang umamin. Gets ko naman kung magagalit sila. Tingin ko nagiging unfair ako kasi..."

"kasi hindi mo kayang ibigay sa kanila yung gusto nilang maramdaman mo sa kanila?"

"oo kasi sila binibigay nila sakin, pinaparmdam nila sakin pero yung sinusukli ko sa kanila parang lugi sila, kahit na kusa nilang binigay yun sakin, ayoko sa lahat yung unfair, pero diba parang ang unfair ko?"

"hindi mo sila binigyan ng chance?" tanong nya

"hindi. Mahal ko sila, kaibi" tumingin ako kay Zedric na nag aantay ng sasabihin ko. Nalilito na ata sya sa sinasabi ko "malapit sa akin yung umamin okay? Ayoko lang na may magbago sa amin, gusto ko kung ano kami, hangang doon lang. Mahal ko sila, mahal ko yung pinagsamahan namin. Bukod sa ayaw ko talagang maglevel up yung relasyon bilang kaibigan, natatakot ako na baka mapunta lang lahat sa wala. As in lahat. " paliwanag ko sa kanya, hindi ko alam kung anong reaction nya, nakayuko lang ako, nakakaramdam kasi ako ng hiya.

" Mahal mo sila, pero mas mahal mo yung pinagsamahan nyo. It's likely that you cherish the memories, the activities, more than those who you made them with. Diba sabi mo ayaw mong may magbago o mawala? Gusto mo na kung anong meron kayo bago sila umamin, gusto mo mananatili lang na ganoon, tama ba? "

Tumango naman ako, pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Ang daming kong sinabi sa kanya, nahihiya ako. Na conscious pati ako bigla.

"pwedeng sabihin na unfair kasi hindi mo sila binigyan ng chance. Pero kung wala naman na talagang chance at hindi talaga magkakaroon, you're just saving yourself, sila rin. Masakit na hindi mo sila binigyan ng chance pero mas masakit kung bibigyan mo sila ng chance pero sa huli wala pa rin magbabago. You're not unfair "

Sabi nya hindi ako unfair. Pero ako pinapatunayan ko talaga na unfair ko. Halos isang linggo na ang nakalipas nang mag kwento ako sa kanya, isang linggo na ang lumipas nang sinabi nya na hindi ako unfair.

Unfair ako, alam ko. Iniiwasan ko sya, sinusubukan ko syang iwasan. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko talaga alam. Wala akong ideya.

May times na kasa-kasama sya nila Vince, kinakausap nya ko pero tipid lang ang mga sagot ko sa kanya. Sinusubukan ko na huwag syang iwasan kasi, wala naman syang ginawa sa akin. Kaya bakit ko sya iiwasan. Pero hindi ko talaga maintindihan, kapag andyan sya parang gusto ko maglaho bigla.

Distracted Where stories live. Discover now