Distracted 9

12 1 0
                                    


~~~~~

We have no plans to finish the program. I'm tired, Jayzel and the others want to go home. The baked cookies and cake I made for them are at home. I'll just bring some to Khael tomorrow since she already went home. She said she's very sleepy, but the truth is she just wants to erase what's on her face. Pero okay lang, madami na naman kaming pictures sa phone ko.

"Adal kasya na ba dito?" pinakita sakin ni Zedric ang hindi kalakihang paper bag na nahanap nya dito sa booth. Tumango ako at kinuha sa kanya ang paper bag. Nahihirapan na kasi akong bitbitin ang maliliit na paper bag

"Ako na maglalagay" He took what I was carrying, and I let him. We're here at the side of the oval, and we can see the performers on stage. Jayzel and others still in the court, sinabi ko lang na hintayin ako, maghahanap lang ako ng lagayan.

Nagkasya ang mga nasa maliliit na paper bag, pero wala ng space para sa teddy bear

"okay na yan, hahawakan ko na lang itong teddy bear. Salamat"

"Uuwi na kayo?"

"hmm. Salamat ulit dito sa teddy bear" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin

"hindi mo pa ako binabati" nawala ang ngiti sa mga labi nya

"birthday mo?"
Dahil sa tanong ko, mas lalo syang sumimangot

Umiwas sya ng tingin pero agad din namang binalik sa akin "Hindi yun"

"Alam ko... Pero hindi pa ba? Nabati na kita kanina a"

"Hindi. Nagpasalamat ka lang sa teddy bear, hindi ka bumati" paliwanag nya

"weh ba? Binati na kita!"

"don't shout."

Hindi ako naninigaw, natural na malakas lang talaga boses. Lumakas lang lalo dahil maingay sa court.

"sorry, pero binati na kita kanina"

"Hindi"

"Happy valentine's Zed" bati ko, bumalik na ang ngiti sa labi nya nya

"Pero binati na talaga kita kanina" dugtong ko pa

"Hindi nga haha. Thank you sa pagbati ngayon Adal. Baka hinahanap ka na nila, hatid na kita sa kanila." sabi nya sa akin

"Basta binati kita kanina! Kahit itanong mo pa kila Jeromy at Khael" pagpupumilit ko sa kanya, natatawa na lang sya sa mga sinasabi ko

"Oo na. Sige na, binati mo na ko kanina. Baka nakalimutan ko lang."

I glared at him, makakalimutin sya. Binati ko kasi sya kanina. Ang kulit nya.

"Thank you, Toge" paalam ko sa kanya. Pinindot ko pa ang medyo baba ng pisngi ko, sa may bandang gilid ng labi na para bang may face paint ako na gaya ng kanya.

Hindi na rin ako pumayag na ihatid nya ako sa mga kaibigan ko.

"Happy valentine's ulit. Ingat ka pauwi"

"Adal! Cedric..." si Jaylo, parang disappointed pa sya dahil andito si Zedric

"Uuwi ka na?" tanong nya sakin

"Oo bakit?"

"sa dorm ka uuwi?" tanong ni Jaylo

"huwag kang mag-alala hindi ako dorm uuwi, walang mang iinis sayo." sabi ko sa kanya, nilingon ko ulit si Zedric

"alis na ko" hindi ko na napigilan humikab

"Pwede ka makausap?"

"Jaylo next time na lang kayo mag-usap. Pagod na si Adal" sabi ni Zedric sa kanya

Distracted Where stories live. Discover now