~~~~~I don't know how to describe my two days without class. First day, we're in Jaylo's house, swimming eating, watching, and repeat. Yas! That was fun, even though Trey didn't stop bothering me. Parang hindi sya nadala sa sinabi ni Zedric. We didn't expect Khael to be the hyper one among us three. Expected ko na mabo-bored sya, na aantukin sya agad. Expect the unexpected nga sabi ng iba.
Parang doble ng energy ko yung napunta kay Khael, she enjoyed every moment, every minute. Wala syang sinayang na pagkakataon para hindi sya magsaya. Khael's still growing and exploring herself, masaya ako kasi para akong totoong ate nya na, nakikita ko lahat sa kanya. I'm happy for her, genuinely happy.
Masaya kami pero nawala ang saya namin nang gumising kaming masasakit ang katawan. Dito sa dorm nakaupo, naka higa, gagalaw kapag nagugutom na. Binigla namin yung katawan namin sa paglangoy, ending lahat kami masakit ang binti, braso, at likod. Buong katawan na. Hindi ako nakauwi sa amin, sumama ako sa kanila dito sa dorm. Ayoko umuwi kasi babalik kinabukasan. Masakit na nga katawan, pinagkaitan pa ako bigla ng kaibigan.
Nagtampo sakin sila Jayzel lalo na si Larence dahil hindi na talaga ako nakasama sa kanila at totoong masakit na katawan ko.
Sinabihan ko naman sila na babawi ako. Nasanay sila na lagi lagi talaga akong sumasama sa kanila, as in, walang palya. Kaya naiintindihan ko yung pagtatampo nila. Pero yung iremove ako ni Jayzel sa gc namin ang hindi ko matatanggap. Nag iinarte na sya sa ginagawa nya. Buti na lang kakampi ko si Wenard at naiintindihan nya ko.
Masasabi ko na masaya ako sa dalawang araw na walang pasok, sa mga ginawa ko, namin. Pero parang may kulang, parang may hindi ako nagawa na hindi ko malaman kung ano.
"Gusto ko umabsent!" sabi ko kay Khael na nagbibihis na ng uniform nya. Hirap na hirap sya sa braso nya. Sa aming tatlo sya ang nakaramdam ng sobrang pananakit ng katawan. Kahit papaano medyo nawala yung sakit ng akin. Leeg talaga ang sumakit sa akin ng sobra, okay na naman ngayon, kahit papaano.
"Umabsent ka"
"May quiz kami! Long quiz! Sabi ba naman ng teacher namin na binigyan na kami ng two days kaya expected nya na matataas ang score namin!! Nakakayamot!"
"Buti kayo quiz lang, kami mamaya may p.e"
"kawawa ka naman. Edi sa clinic ka na lang"
"yun nga ang gagawin ko"
Gagawin mo naman pala nag reklamo ka pa. Kung pwede lang sana na sa clinic ako mag quiz
Sabay sabay kaming tatlo na pumunta sa school. Dumeretso sa kanya kanyang room.
Sana uwian na please!
"Adal!" si Remi na kapapasok lang ng room, kasunod nya si Trina at syempre alam ko na may buntot si Trina. Si Trey na may pang-asar na naman na ngiti. Pare-parehas ko lang silang tinarayan.
"morning. Walang good kasi mukhang bad mood ka" sabi pa ni Remi bago sya umupo
"Adal"
Hindi ko na pa binigyan ng pagkakataon si Trey na ituloy kung ano man ang sasabihin nya "Trina sure ka bang pinayagan mong manligaw yan? Kung ako sayo pinatahimik ko na yan"
"galit si Trina. Sinusuyo sya ni Trey" bulong ni Remi. Saming dalawa ni Trey, ako ngayon ang nakangiti.
:nak, uuwi ka ba mamaya?
Basa ko sa text ni papa. May pasok pa ko bukas kaya hindi ako makakauwi. Hassle kung uuwi ako tas babalik din kinabukasan. Sinabi ko lang kay papa na hindi ako makakauwi.
Lumapit sa akin si Remi, ginawa nya yung ginawa ko kay Justin, nakapatong pa ang dalawang braso nya sa desk ko "Adal hindi pala kayo magkapatid ni Kael?"
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...