Distracted 39

11 1 0
                                    


~~~~~

Pagka uwi namin kagabi ni papa, hindi nya na ako tinanong pa tungkol sa jersey na suot ko. Natulog na rin ako agad.

Kasalukuyan akong naliligo dahil may hindi ako inaasahang bisita.

Hindi talaga inaasahan!

Nagising ako kanina dahil katok ni mama. Pagkabukas ko ng pinto si Kael ang kasama ni mama.

Dahil sa katamaran kong mag check ng phone at mag charge hindi ko nabasa ang message nya na pupunta sya dito. Naiwan ko pala sa kanya ang wallet ko.

"Nasa baba rin si Cedric, nak. Kinakausap ng papa mo."

Para bang magandang balita ang sinabi sakin ni mama kanina. Halos hindi na ako magkanda ugaga kanina, kung anong una. kong gagawin. Bababain sila papa o itutulak palabas si Cedric. Bakit sya andito! At kausap ni papa?

" Anong pinag-uusapan nila?" tanong ko kay Kael paglabas ko ng cr.

" Hindi ko alam. Pinaakyat ako dito ng mama mo"

Nagkakilala na rin sila ni mama. Habang naliligo ako, narinig ko na madaming sinabi si mama kay Kael. Ngayon wala na si mama dito sa kwarto. Baka parehas na sila ni papa na kinakausap si Cedric.

Pagkabihis ko. Binuksan ko agad ang phone ko. Nakita ko ang napapakadaming message ni Kael. Puro 'wallet mo' lang naman.

"Bakit?" inosente nyang tanong sakin dahil tiningnan ko sya.

Nakita ko rin ang message nila Wenard. Pati na rin ang kay Cedric. Kagabi pa ata message nya. 'Ingat pauwi' yun ang message nya.

"Bakit si Cedric ang kasama mo?"

"Sumama sya."

"Dapat inantay mo akong mag reply bago ka pumunta."

"Tagal mo mag reply. Kaninang umaga pa ako nag message. Tanghali na ngayon." paliwanag ni Kael

Si Cedric ang kasama ni Kael sa bahay, malamang bahay nila Cedric e. Wala si Jeromy. Nasa mismong bahay nila.

"Bored ka noh? Gusto mo lang ako makita!"

"Hindi ako. Si Cedric yun."

Hindi man lang um-oo.

Ang tagal naming nakatunganga ni Kael dito sa kwarto bago ko naisipan na bumaba na. I don't know why I feel nervous. Si Cedric lang yun! Si Cedric na kinakausap sila papa.

Wala akong ideya kung bakit kinakausap ni papa si Cedric. Hindi naman alam ni papa na si Cedric ang Arcalas. Pero may chance na alam na ni papa ngayon.

Sabay sabay pa sila mama, papa, at Cedric na tumingin dito sa hagdan. Hindi pa nga ako tuluyang nakakababa. Ang tatlong upuan ay gamit na gamit sa kanilang tatlo. Si mama na nag-iisang sa mahabang sofa, si papa at si Cedric mag katapat, nasa gitna ang babasagin naming lamesa.

Dumeretso na ako sa tabi ni mama, pinaupo ko na rin si Kael sa tabi ko.

"Nililigawan ka pala nito. Ni Cedric. Cedric Arcalas." sabi agad ni papa.

Arcalas. Binanggit na ni papa.

Hindi naman masungit si papa sa
akin pero kung may ganto, gusto, manliligaw, nagiging seryoso lagi ang baling sa akin ni papa. Si mama mahina akong kinukurot kurot sa tagiliran. Hindi ko pa rin nakakalimutan na mas nauna silang nagkaroon ng usapan ni Cedric na hanggang ngayon hindi ko alam kung ano.

"Bakit hindi mo sinasabi sa amin? Kailan mo balak sabihin? Kapag sinagot mo na sya? Magugulat na lang ako na kapag umuwi ka dito may boyfriend ka na, hindi ko man lang nalaman na may nanliligaw sayo?"

Distracted Where stories live. Discover now