Forever distracted, forever bound
~~~~~
Remember the first day you
fell in love with me?
It felt so good for you to
say those words
'Cause I felt the same way too—
"Cedric naman. Kanina pa' yan!"
I glanced at her briefly, then returned my gaze to her phone that I was holding.
Kanina pa nga...kaninang kaninang pa. Ilang beses ko na inulit ulit itong video nya na kumakanta sya. Mahal ko na nga sya, mas lalo ko pa syang minamahal.
"Tama na kanonood. Ako ang naririndi sa sarili kong boses!" naglakad sya palapit sa akin.
Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko.
"Hindi pa 'ko tapos"
"Kanina ka pa dyan. Paulit ulit na."
"Video pa lang. Hindi ko pa nakikita yung mga pictures."
"Wala kasing kinatitigil sa panonood." narinig ko pang bulong nya. Hindi ko mapigilan hindi matawa sa pagsusungit nya.
Hinawakan ko ang kamay nya at pinaupo sya sa harap ko. I wrapped my arms around her. I leaned in, resting my chin on her shoulder. Her eyes were on the phone I was holding, while mine on her lovely face.
Inihatid ko si Kahel dito kila Dal, dahil dito nya gusto magpasko. Na muntik na hindi matuloy, akala ko gustong gusto nya dito kila Dal, nang malaman na hindi pumayag si Dal na magdala dito ng cotton candy ayaw nya na rin dito. Kahit ako hindi rin pinayagan ni Dal magdala ng cotton candy kahit para kay Kahel, hindi naman para sa akin. That's Adal, no for her, no for us.
Sadly, my parents can't come home on Christmas Day, so I'll visit them instead. With only four days left, I'd love to spend the remaining days with Dal.
"Dal"
"hmm?"
"I didn't have a chance to be with you on your birthday. And unfortunately, I won't be around for Christmas either."
Natigil sya sa paglilipat ng mga pictures sa phone nya, inilayo ang mukha sa akin bago ako nilingon.
"Bakit?"
"Hindi makakauwi sila mama, ako ang pupunta sa kanila." paliwanag ko.
"Bakit malungkot ka dyan? Mga magulang mo naman pala pupuntahan mo."
"Malayo sayo."
Binalik nya ang tingin nya sa phone, "Stop worrying about that. You're visiting your parents, not just some random people. Hindi ka dapat malungkot."
"Pero gusto rin kitang kasama. Dal, kung alam mo lang nung ilang linggo pa lang ako nagkakagusto sayo, pinangarap ko na makasama ka sa lahat. Birthday ko, birthday mo, christmas, new years...every special occasions."
"Kung papayag ka lang, isasama kita."
Days, months, and years— I've been waiting for this moment to talk to her, to be with her, to have her. She can't blame me for wanting to share everything with her. I love her.
"Isasama kita, okay lang?"
Umiling sya "Ayokong iwan sina papa. Sila tita, mga kaibigan ko."
"Isama rin natin sila. Akong bahala sa lahat"
Agad nya akong nilingon, " Bahala sa lahat? Ano? ikaw gagastos para sa aming lahat? Cedric pamilya ko yung tinutukoy ko."
"Pamilya ko rin naman sila." mahina kong sabi.
YOU ARE READING
Distracted
Teen FictionStart: February 2024 Complete: November 2024 add chapters: December 2025 ~~~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by list...
