Distracted 16

10 1 0
                                    


~~~~~

"Kayo?" tanong ni Trina

Nilayo ko na ang upuan ko kay Justin. Si Justin parang estatwa na. Kung hindi pa sya kausapin ni Remi baka nga hindi na talaga sya kumilos sa kinauupuan nya.

"Bakit kayo andito?" tanong ko kila Vince

"namamasyal?" narinig kong sabi ni Jeromy. Ayoko sya tingnan, baka sa iba dumapo yung tingin ko

"Buti kinaya mo yun Justin. Hinawakan ka ng crush mo, ano okay pa puso mo? Nag pu-pump pa ba? Normal pa?" pang-uusisa ni Remi kay Justin

"Sorry Adal, nakakunot kasi yung noo mo, aayusin ko lang" sabi ni Justin.

Gusot gusot ba ang noo ko? Baka kelangan nya pa ng plantsa.

Narinig kong tumawa si Trey kaya nilingon namin sya "Kala namin kayo na"

Nagtawanan naman sila ni Jeromy. Tiningnan ko si Vince, nakatingin lang din sya kila Trey

"ano naman sa inyo kung kami nga?" dahil sa sinabi ko, tumigil sila sa pagtawa

"Adal" si Larence na humakbang palapit sa pwesto ko

"dunnow yu!"

"Anong ginagawa nyo? Bakit kayo magkalapit?" si Trey na tatawa tawa pa rin

"May pinag-usapan lang kami" si Justin na ang sumagot, mukang okay na okay na sya. Kanina para syang nalula sa mga taong andito sa likod

"Kailangan magkalapit? ha Justin?" pang-uusisa ulit ni Remi

" Si Adal lumapit sakin" sabi agad ni Justin.

"Hindi ka nailang Adal?" binaliwala ko yung sinabi ni Larence, alam kong may iba syang gustong ipahiwatig sakin.

"Anong ako? Ikaw tong lumapit sa akin, kumakain ako mag-isa dito!"

"oo, pero yung nadatnan nila, sobrang lapit, ikaw yung umusog dito sa pwesto ko"

"sobrang lapit? oa ka Justin, hindi nga naglapit yung noo natin!"

"gusto mo?"

Kanina ko pa pinipigilan na huwag syang tingnan pero dahil sa tanong nya na parang nanunuya hindi ko na mapigilan na hindi sya lingunin.

Masama ko syang tiningnan. Ang tanga nya, try nyang intindihin mabuti yung sinabi ko.

Anong gusto ko? Ang alin? Hibang ba sya?!

They're all laughing, except Trina and Remi. Remy is busy intriguing Justin. tsismosa talaga. Trina is busy on her phone. Vince, even he's trying to hide his laugh, he could not, nagpipigil sya. Halatang halata sya.

Zedric looking at me
blankly "sorry" he said. Natauhan ata sya sa papansin nyang tanong.

Humagalpak ng tawa si Trey, kung hindi sya siniko ni Jeromy hindi sya titigil.

I knew it. Yung tawa, pasimpleng tawa, mga simpleng tinginan nila magkakaibigan, there's something about that. And I know what's that all about. It's all about Zedric. And Me. Our interactions.

Kung hindi ba sinabi sakin ni Larence yung narinig nya, kung hindi sinabi ni Justin yung sinabi ng pinsan nya, mapapansin ko ba lahat ng yun? Yung tawanan nila, yung mga natural na kilos ni Zedric?

Kung walang nagsabi, hindi ko malalagyan ng malisya yung mga natural na kilos ni Zedric. If no one had told me, I might have just ignored their laughter. But I would look like a fool, clueless about my surroundings if no one had told me. So what now? Should I be thankful that I received that news? Thankful because I don't look ignorant and foolish? Because now I know? ha?

Distracted Where stories live. Discover now