Distracted 47

8 0 0
                                    


~~~~~

"Adal!"

"bakit?"

"Pinapatawag na ni Ma'am Magnolia lahat ng representative. Punta na kayo ni Justin"

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag talaga ako dito. Irerepresent ko section ko. Jusko naman. Wala nga akong pake sa mga ito e...dati?

Sinabi ko na rin kila mama na kasali ako, ay si mama apaka excited! Kulang na lang sya mag organize ng pageant ng department namin. Sinabi na rin nila mama sa akin na sya na raw bahala sa susuotin ko, as in lahat, lahat, sya na nga raw bahala.

Sila mama, papa, Kael, at bukod sa mga kaklase ko ang nakakaalam na ako ang sasali sa section namin. Sinabihan ko sila na huwag sabihin kahit kanino, baka kasi mag expect. Sila kaya ilagay ko sa stage. Pagdating naman sa mga kaibigan ko, hindi ko pa nasasabi. Hindi naman kasi sila nagtatanong tungkol sa ganap ko sa buhay. Busy pa sila sa mga buhay nila.

"This is the start of your journey! Excited ako para sayo, Adal! Kung pwede lang kahit sa meeting nyo, kahit sa practice manood, manonood talaga ako!"

"Oa ka Remi" sabi ni Trina sa kaibigan nya na nagtatalon sa harap ko. Halata ngang excited sya.

"Adal tara na raw!"

"Maghintay sila!"

"Baka sa kagaganyan mo, sa pagsusungit mo. Hindi ka na Ms Congeniality" si Trina na akala mo talaga may pake sa akin.

"Pake ko dyan? Ms Tourism ang gusto ko. Wala silang pake kung hindi ako friendly at least maganda at matalino ako."

"Woah Adal. Mukhang g na g ka na a! Sayo na nang galing na Ms Tourism ang gusto mo" tinapik tapik pa ako ni Karylle

"Ayaw mo ng Mrs. Arcalas?"

Nagsalubong agad ang kilay ko dahil sa biglang pagsulpot ni Trey, dumeretso agad sya sa tabi ni Trina. Yes, alam ni Trey na kasali ako. Buntot sya ni Trina e, nalalaman nya talaga mga nangyayari sa room namin. Hindi naman nya naman nababanggit sa iba, tuwing magkakasama kami, wala namang sinasabi sa akin sila Larence.

I clasp my hands together and close my eyes, "Lord sana hindi maging Mrs Remonte si Trina. Thank you po."

Pag mulat ko ng mata ko, hindi makapaniwalang tingin ang binigay sa akin ni Trey. Sila Remi at Karylle natatawa na lang.

"walang ganyanan Adal-"

Kahit si Trey napatigil dahil sa paglayo ni Trina sa kanya. Lumapit pa sa akin lalo si Trina at itinapat ang kamay nya sa ibabaw ng ulo ko.

"Wish granted."

"Trina" tawag pa ni Trey sa nililigawan. Napapailing na lang ako sa dalawang ito. Bahala sila dyan.

Ang limang section ng second year, lahat may representative. Apat na section sa third, tatlong section sa fourth. May ibang section na hindi sumali. A total of twelve. Baka pilitin ko na lang maging friendly para may award section namin. Tanga naman, dapat first year ang kasali, hindi fourth year. E aalis na yang mga yan.

"Ang daming mas pogi sakin" bulong ni Justin sa akin, nang makapasok na kami dito sa avr ng school.

"Ano pa inaantay mo? Mag back out ka na. Ako na bahala mag represent ng section natin."

Dumeretso na ako sa bakanteng upuan, dalawang bakante na para sa amin ni Justin. Seems like they only waiting for us. Thank you for waiting.

"Ayoko. Minsan lang to mangyari tayo ang partner. Tsaka hindi kita hahayaang ikaw lang mag-isa ang mag represent ng section natin. Pabor na rin ito sakin. Mas makakasama kita..."

Distracted Where stories live. Discover now