~~~~~"Adal!"
"...magkasama pala kayo"
Tamad kong binalingan ng tingin si Larence. Naupo sya sa tapat namin ni Cedric.
Isang linggo na nakalipas noong mangyari yung kauna unahang sagutan ko dito sa school. Nagkakasalubong kami minsan nung babaeng nakalimutan ko na ang pangalan, hanggang ngayon masama pa rin ang tingin sakin.
Kapag si Vince ang kasama ko at nagkakasalubong kami nung babae, inaasar lang ako ni Vince, kapag naman si Cedric ang kasama ko, lagi nya akong pinipigilan kahit wala naman akong gagawin. Kaya kahit sya inaasar nila Vince.
Napapansin ko na medyo nadidikit sakin si Cedric, kapag talaga may free time sila, imbis na ang kasama nya ay sila Jeromy, magugulat na lang ako nasa gilid ko na sya. Kaya mas lalo akong nakakatanggap ng pang-aasar kay Larence. Wala naman ibang sinasabi si Cedric, gusto nya lang daw talaga ako samahan.
Kayang kaya ko syang itaboy, paalisin sya at sabihing naiilang ako minsan sa kanya, pero hindi ko alam, parang may pumipigil sa akin na wag sabihin sa kanya, na hayaan na lang sya sa tabi ko. Kahit na minsan hindi ako nakakapagbasa ng maayos at natutulala na lang ako.
Kapag umaalis na sya tsaka ko lang malalaman na hindi nakarelax ang katawan ko. Para akong nabunutan ng isang malaking tinik kapag umaalis na sya. Pero parang may malaking nawala rin sakin kapag umalis na sya.
I don't know how to feel or is it right to feel like this. Uneasy when he's beside me, and uneasy if he's not beside me. All the time! He's with me or not! I'm not at ease! My, my, my! I'm confused! Ang gulo. Kailan ba ako nagsimula magkaganto sa kanya? Noong sinabi sakin ni Larence? Lumala noong si Cedric na mismo ang umamin sakin.
Bumalik ako sa katauhan ko dahil narinig ko ang malakas na pagtawa ni Larence, kahit si Cedric tumatawa na rin. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Hinayaan ko lang sila sa kung anong pinag-uusapan nila. Napangalumbaba lang ako at tumitingin tingin sa paligid.
Simula noong nangyari sa aming dalawa nitong babae, lagi ko na sya napapansin kung saan saan. Siguro kung hindi kami nag-away hindi ko sya mapapansin. Lagi nya ata akong sinusundan ng tingin e. Andito ako oval, sa paborito kong pwesto, nakita ko sya na nasa hallway at nakatingin sakin. Laging masama ang tingin nya sakin. Pinag tataasan ko lang sya ng kilay sa tuwing nahuhuli ko syang nakatingin sakin.
Ako na ang nag-iwas ng tingin atvsa iba ko na lang ibinaling ang tingin ko. Malas dahil kay Trey dumapo ang tingin ko. Nakangisi sya sa akin habang naglalakad papalapit dito.
"Ad sama ka mamaya ha"
"huh?"
"Pupunta tayo sa plaza" sabi sakin ni Larence
"Anong gagawin?"
"May battle of the band. Manonood lang. Sasama daw sila Cedric" he brows wiggled.
Tumingin ako sa kalapit ko na nakatingin sa akin. "Oh ano ngayon?"
"Nood tayo. Baka hindi ka na naman sumama"
"Hindi ba sya nanonood?" tanong ni Cedric kay Larence
"Ng battle of the band? Hindi hahaha. Isang beses lang pala. Last year nagkaayaan kami, tinulugan nya lang kami" paliwanag ni Larence
"Inaantok na kasi ako nun! Manonood ako ngayon"
Nalalapit na si Trey sa amin, may ngisi pa rin sa labi nya.
"Hinahanap ka ni Remi kanina. Ayaw mo raw sumama sa kanila" panimula ni Trey, tiningnan nya kami ni Cedric para bang may ipinahihiwatig sya
"Nagsabi ako sa kanila na hindi ako sasama. Papansin ka!"
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...