~~~~~Pagtakapos ng huli kong klase bumaba na agad ako. Nakita ko na meron pang nag pra-practice. Sa court ang basketball, at sa may oval badminton naman.
"hindi ka pa uuwi Adal? Sabay ka na samin"
"May hihintayin pa ako. Ingat!"
"ano?" para silang gulat na gulat sa sinabi ko
"Trina sabihin mo hindi lang ako nakarinig!" sabi ni Remi, niyuyugyog pa si Trina, itinulak na sya ni Trina para makapaglakad na paalis
"Ingat din" sabi ni Trina
Kala ko naman kung ano. Bakit, ngayon lang ba ako nakapag sabi ng ingat sa kanila? Ang sama ko namang kaklase. Okay next time, kahit kadarating pa lang nila sa room sasabihan ko sila ng ingat.
May mga estudyante rin na andidito pa sa oval, nakaupo lang. Naupo na lang ako kung saan nakita ko yung lagayan ng raketa ni Cedric, kasama ang tatlong bag. Baka sa kalaro nya.
Pinanood ko lang silang naglalaro. They're still on their uniform, long black trouser, except those shirt they're wearing. Kanila na yan, dala na siguro nila.
Cedric looks kinda different today. Or is it because he wears a cap today that I don't used to see? He wears his white cap backwards.
"Adal nakalimutan mo" may nag-abot sa akin ng blazer, si Justin pala
"salamat" sabi ko at pinasok sa bag ang blazer, hindi naman ako nagsusuot ng blazer kahit sa room, depende sa teacher tsaka ako nagsusuot.
"Sino inaantay mo? Mga kaibigan mo?"
Umiling ako sa kanya "nauna na sila, si Cedric inaantay ko."
Nagtanong pa sya kung bakit at kung pwede daw sumabay, pero nagbibiro lang daw sya. Hindi na rin sya nagtagal at umuwi na.
Bumalik lang ako sa panonood kila Cedric, kesa naman buksan ko ang phone ko, maiinis lang ako kay Larence. Mga fifteen minutes akong nakatulala sa kanila
Nakita ko ang pagbaling ng ilang kasama ni Cedric sa akin. Napataas ang kilay ko sa kanila, lalo pa dahil nginuso nila ako kay Cedric, na busy sa kalaban nya. Natigil tuloy sila.
Ano magtitigan na lang tayo? Gusto ko na umuwi.
Naglakad papalapit sakin si Cedric, iniwan ang mga kasama nya na naglalaro pero yung dalawa panay ang tingin dito. Tumigil si Cedric sa harapan ko.
"Si Vince ba? Kanina pa sila umuwi" sabi nya sa akin. He removed his cap and combed his hair using his fingers, but some of his long bangs continuously fell back into his forehead. He put his cap back on his head, and removed it again. Bakit mas bagay sa kanya kapag suot nya o baka naninibago lang ako. Nag-iwas ako bigla ng tingin sa kanya.
"Inaantay kita. Wala ba talagang nasabi sayo?" tanong ko, umiling naman sya
"Sabi ni Larence ngayon daw kayo sa patahian, andun na silang lahat. May klase pa kasi ako kanina, kaya sabay na raw tayo. Hindi mo alam kung saan yun." paliwanag ko sa kanya
"Kanina ka pa ba naghihintay dito? Sorry hindi kita napansin agad"
"hindi naman. Maglalaro pa ba kayo?"
Tumingin sya sa mga kasamahan nya tsaka binalik amg tingin sakin. Naiintindihan ko naman na kelangan nila mag practice, last week of march na ang laban nila.
"Pwede naman na akong umalis" ani nya
"Hindi pa ata kayo tapos. Tsaka maaga pa naman. Hayaan mo sila maghintay doon."
"Kapag bumalik ako sa kanila, maghihintay ka pa dito. Okay lang sayo?" nag-aalala nyang sabi. Eto na naman utak ko, nagsasaboy ng malisya sa mga ginagawa at sinasabi ni Cedric

YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...