Distracted 1

18 1 0
                                    


The world's a blur. And I'm distracted with him.

~~~~~


"Ad!"

Si Jayzel na nasa gate, kapapasok lang. Hinanap ko sila Vince hindi nya ito mga kasama.

"Bakit ka andito?"

"Mag-aaral?"

Hindi ko sya pinansin. Hinarap ko si Khael na nasa tabi ko lang. Pumasok din sya dito sa college build namin.

"Sa library ka lang ha. Hintayin mo ko"

"okay"

"Hi Khael!" bati ni Jayzel pero hindi na sya pinansin pa ni Khael. Knowing Khael hindi talaga yan namamansin lalo na pag Khael ang tawag sa kanya. Sakin, nasanay na sya.

"Adal galit ka pa rin?"

"Araw-araw akong galit sayo. Asan sila Larence?"

"Magkasunod lang kayong umalis. Iniwan nila ako, ako tuloy ang nakipag usap-"

"dapat lang. Asan nga sila?" 2 hours vacant ko. Kung alam ko kang edi sana nanatili ako sa dorm

"Si Larence may klase na ata. Si Vince baka nasa canteen"

Dumeretso ako sa canteen, kami pala, sumunod sakin si Jayzel. Baka vacant din nya. Nakita ko agad si Vince, kaya dumeretso ako sa pwesto nya at nakiupo na rin. Inalok nya sakin yung pagkain nya pero umiling ako. Kulang pa ata sa kanya

"Bakit andito ka rin?" tanong ni Vince kay Jayzel

"pag mamay-ari mo to? Iniwan nyo ko kanina-"

"dapat lang sayo" gaya ng sagot ko kanina kay Jayzel yun din ang nakuha nya kay Vince.

"Ad nakasalubong ko kanina si Wenard, last na daw yun?"

"Oo. Tigil na natin. Tatanga nyo kasi"

"Grabe ka talaga samin" pagmamaktol ni Jayzel. Nakaka yamot muka nya

"Hindi yan ang sinabi mo kay Wenard" sabi pa ni Vince

"Sinabi nya pala sayo lahat e. Manahimik ka na dyan" sabi ko at inagaw sa kanya yung cheesecake sa tabi ng pagkain nya.

"Bibili ako. Ad may ipapabili ka?" tanong ni Jayzel

"naks nag papa goodshot." pang-aasar ni Vince sa kanya

"gago. Ano Ad?"

"Tubig lang. Hindi mo naman kayang bilhin buong canteen"

"Wala kang class?"
umiling ako kay Vince.

"Hindi ba talaga kayo close ni Jaylo?" napakunot ang noo ni Vince dahil sa tinanong ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Actually hindi sinamaan, ganto talaga ako tumingin, mataray. Kaya inaakala ng iba lagi akong galit

"we're classmate. Ilang beses mo na kong tinatanong nyan. Hindi kami close"

"Then why the heaven she acts like that! I'll call Vince, I'll call Vince" I tried mimicking Jaylo's voice every time she said that to me "it's like that you two are close! Nakakainis sya"

"Nakikita nilang lahat na close tayo, magkasama, kaya siguro ganun sya"

"E bakit nya kelangan manakot nang ganun"

"Natakot ka ba?"

"Hindi!"

"Right, hindi ka natatakot sa kanila hahaha. Hayaan mo na" sabi ni Vince. Sa kanilang apat, si Vince yung kalmado lagi, hindi gaya ni Larence na matino pero jusko patola din.

Distracted Where stories live. Discover now