Distracted 25

14 1 0
                                    


~~~~~

"I don't know if I have a chance or not. 'don't care. Adal, sinubukan ko talaga na masanay ka sa mga kinikilos ko pero hindi ko kaya. Ayokong nakakausap ka ng iba, nahaharap mo sila ng walang pag aalinlangan. Pero pagdating sa akin, may iba talaga. Ayoko na maghintay, I promised myself that I would only do things that are not going to be uncomfortable for you. But I break my own promises. Hindi ko kayang maghintay na, na masanay ka Adal, kaya kong namang hintayin na masanay ka na kahit na, kahit na umamin na ko sayo."

Mas lalo akong yumuko dahil sa ginawa nyang paghawak sa dalawa kong kamay. Nararamdaman ko ang hinalalaki na kumikiskis sa kamay ko.

I am always a confident, straight-forward person. But when it comes to him, right now, with him, when I hear all of what he said, it becomes-I don't know how it happened. I don't know what's happening to me. Nawala lahat ng kapal sa buong pagkatao ko.

Hindi ako ganito, never akong nagkaganito kila Wenard, kila Justin at sa iba pa. Pero bakit ngayon, kay Cedric, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Hindi ba parang ang unfair ko ata.

"...But, sorry Adal. I guess I can't just wait. I'm sorry. I really like you, and I really want to pursue you."

Dahil sa sinabi nya bigla akong napaangat ng tingin sa kanya. The way he looks at me is like he's looking at the most precious thing in his life. I'm not sure, but that's not the look he gave to others when he's talking.

I'm not sure if his eyes are gazing at me like that the whole time he confessed.

Bumaba ang tingin nya sa aking labi "stop biting your lips"

Tinigil ko naman ito agad at umawang ang labi ko. Pakiramdam ko lahat ng sabihin nya sa akin ngayon, susundin ko. Pakiramdam ko isa na akong robot.

Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko magawa. Hindi ko masabi. Umaawang lang ang labi ko pero walang lumalabas na salita.

Adal umayos ka. Kung hindi ka magsasalita sa harap nya ngayon, abot pa to bukas. At baka mas lumalala itong nararamdaman mong kaba.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko bago ako tumingin ulit sa kanya.

"Alam ko kung gaano ka ka-uncomfortable ngayon, sorry. Hindi mo kailangan magsalita, hindi ako nag e-expect sayo ng kung ano ngayon. Okay na ako na pinakinggan mo ko. At least ngayon, alam mo na, na gusto kita. Kahit naririnig mo na sa iba, pero ngayon sakin mo na mismo narinig." he said then smiled at me. His eyes were bloodshot, don't know if it's because of alcohol or his situation right now.

" Pero Adal" nag-aalangan pa sya kung itutuloy nya ang binabalak nyang sabihin. "Adal pwede ko bang malaman yung totoong dahilan kung bakit mo ako iniiwasan? Nung time na tinanong kita, hindi mo ako sinagot"

"Pwede ko bang malaman ang dahilan?" malumanay nyang tanong sakin. Hindi nya talaga inaalis ang tingin nya sakin.

Pumukit ako ng mariin at napadiin pa ang kamay ko na nasa kamay nya. Pagmulat ko hindi ako sa kanya tumingin, hindi ko talaga kaya.

"Ini...iniwasan kita simula noong," I begin shyly "noong...noong narinig ko na may gusto ka sakin. Hindi ko alam, hindi ko rin alam kung bakit pag ikaw, kapag sayo, umiiwas ako, sa iba hindi. Lahat ng ginawa mo sakin, lahat ng kilos mo, kinikilos mo nalalagyan ko na ng malisya, na kaya dahil kinakausap mo ko na kaya dahil mabait ka sakin kasi may gusto ka sakin."

"As in halos lahat ng nagawa mo, nalagyan ko ng malisya. Doon nagsimula. Na conscious na rin ako tuwing malapit, tuwing kinakausap mo ko kaya iniiwasan kita" paliwanag ko sa kanya. Bumalik na lang ulit ako sa pagkakayuko. Sinubukan nyang iangat ang mukha ko gamit ang daliri nya pero iniwas ko lang ito, binalik nya kamay nya sa kamay ko.

Distracted Where stories live. Discover now