Distracted 35

9 1 0
                                    


~~~~~

"May sinabi sakin si Wenard."

Nag-aabang ako sa mga sasabihin pa sakin ni Larence.

"you two are cousins"

"He feel sorry, Ad. Sa pagkakasabi nya sakin. Pero wag kang mag-alala gaya ng sabi mo, sinabi rin nya sakin...he don't hate you, he will never hate you." Larence said

"Hindi ko pa sya makausap, ayaw nya munang pag-usapan."

"Hindi mo sya masisisi. Ang tagal rin nyang nagkagusto sayo. Tingin nya isang pagkakamali yung nagawa nya-"

"I really need to talk to him. Gusto kong ulit ulitin sa kanya na hindi nya kasalanan, na wala syang kasalanan. Oo mali ang magkagusto sa pinsan. Pero Larence hindi nya naman alam. Hindi nya kailangan husgahan yung damdamin nya. Nauna yung nararamdaman nya, may nararamdaman na sya bago nya pa nalaman na mag pinsan kami."

" magiging kasalanan lang kung itutuloy nya. Pero nainiwala ako na wala na. Hindi agad agad pero mawawala. " I added.

" He needs time, Ad. Magkakausap rin kayo pero hindi ngayon. Hindi naman hahayaan ni Wenard na hindi kayo makapag-usap....Sinabi mo ba kila Jayzel at Vince kanina? Alam ba nila? "

" Hindi. Iba ang inintindi nila kanina. Mga bwisit sila. "

Napatingin ako kay Kael na umayos ng upo, mula sa pagkakatungo sa lamesa. Now, she knows it, too. Wala namang problema sakin.

We're waiting for Jayzel, Vince, and Wenard. Pumayag na itong si Kael na sasama sya. Si Wenard hindi ko pa sure, sabi ko kay Vince na sya ang mag-aya kay Wenard. Sana pumayag, pero okay lang din kung hindi muna sasama si Wenard.

"Nililigawan ka ni Cedric"

Masama akong tumingin kay Larence. Eto na naman kami. Lagi na lang talaga! Lagi na lang nauuwi ang usapan kay Cedric.

Si Kael naman muntik na naman masamid.

"Sinabi ni Jayzel sakin kanina. Para silang tanga ni Vince na nagsusumbong sakin" kwento pa ni Larence

"Hindi nila alam, alam ko na. Kinausap ako ni Cedric two days after ng birthday ni Kahel."

"Two days after nyang umamin kay Adal."

"ha?"

"wala" mabilis na tinikom ni Kael ang bibig nya.

"Sinabi nya bang liligawan ka nya?" tanong ni Larence sa akin.

"ha? sinabi nya nga, kahapon lang nya sinabi na, na nililigawan nya ko?"

"Hindi mo alam na nililigawan ka nya?" tanong ni Kael at umiling iling pa.

"Hindi nya sinabi sayo agad na nililigawan ka na pala nya" ani Larence

"Larence!"

Pati ako lumingon sa nagtawag kay Larence. Nasa gitna pa lang ng oval at papunta pa lang dito ang isang babae. Sa itsura nya ngayon parang may nagawang kasalanan si Larence sa kanya. Kanina nya pa ata hinahanap itong si Larence.

"ginawa mo dyan?" tukoy ko sa babaeng inis na inis kay Larence. Kamot sa noo si Larence bago nya sinalubong ang babae. Kaklase nya ata. Nakapamewang ang babae nang lapitan sya ni Larence.

Hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila. Yung babae ang maraming sinasabi. Nilingon nya ako at ngumiti sakin. Bumaling sya sa kaibigan ko at binigyan ito ng masamang tingin, at naglakad papunta dito sakin.

"Hi Adal." bati nya at nginitian ako,

"May gagawin ba kayo?"

Eto na naman ako sa, kilala nya ko pero hindi ko sya kilala.

Distracted Where stories live. Discover now