Distracted 53

8 0 0
                                    


~~~~~

Simula nang dumating si Cedric dito sa library, wala kaming imikan. Nagsusulat kasi ako kanina pag dating nya, kaya siguro hindi nya na muna ako kinausap or wala talaga syang sasabihin.

Napatingin ako sa tabi ko kung nasaan sya, tahimik syang nagbabasa ng isang libro.

Actually pang limang beses ko na ata ito na nilingon sya.

Nilingon nya ako at bahagyang pinag taasan ng kilay, agad akong umiling at binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.

I decided to finish what I’m doing right now at home. I’ve already copied the necessary information from the book. We aren’t allowed to take the book home, even if we say we’ll return it the next day.

I was resting my chin on my hand and playing with my pen in the other. I couldn’t help it, I looked at Cedric again. He's already looking right at me.

"May problema ba?"

"wala"

"May sasabihin ka ba sa akin?"

"wala"

Halata sa kanya na hindi sya naniniwala sa mga wala na sinasagot ko sa kanya. E sa wala naman talaga.

"masamang tumingin?" masungit na tanong ko sa kanya

"Hindi..."

"Hindi naman pala e. Wala akong sasabihin. Tinitignan lang talaga kita."

Sinisigurado ko lang kung humihinga pa ba sya o hindi.

"pinapaasa mo 'ko"

"may sinasabi ka?"

Nagpakawala sya ng buntong hininga, at umiling.

Tumingin sya sa lamesa ko, nang makita nya na ballpen ko na lang ang tanging hawak ko. Iniligpit nya na rin ang libro nya. Tsaka sya tumingin ulit sa akin.

"Date tayo"

That's not a question. So how I supposed to respond?

"Kakain?"

Naalala ko yung kumain kami sa fast food na dapat daw sa sasakyan kakain kasi gusto nya malaman kung totoo bang romantic date kapag sa car kumain.

Yeah kakain. Kasi yun ang sabi nya noong nakaraan. That's a date, surprise date nga raw kasi hindi nya naman sinabi sa akin agad. Yung kakain sa kanya, ay date.

"Kung anong gusto mong gawin." sagot nya sa akin

Hindi ko sya maintindihan.

"Kapag kasama kita, It's a date. I want to call it a date." paliwanag nya pa

"So tuwing magkasama tayo. Date yun? Parang ngayon?"

Tumango sya, kaya sinundan ko agad ng tanong pa ang tanong ko.

"Bakit ka pa nagsasabi na date tayo, kung date na pala itong ginagawa natin?"

We're just sitting here, we read books a while ago. And we're not talking to each other. It's a date for him.

"okay lang sayo na tawagin kong date itong ginagawa natin? Kapag magkasama tayong dalawa, doing nothing. Is it okay to you? We're probably dating everyday"

Hindi ko alam kung guni guni ko o nakita ko talaga yung pasimpleng pang ngiti nya. Nawala rin kasi agad e.

"kung 'yan ang gusto mo. Yeah we're dating, not everyday, hindi naman tayo araw araw magkasama."

Akala ko matutuwa sya sa sinabi ko pero mas nakitaan ko sya ng pagtataka.

"bakit?" medyo lito kong tanong

Distracted Where stories live. Discover now