Distracted 20

12 1 0
                                    


~~~~~

"Ad ano nga naman sayo kung inakala o inaakala ng iba na magkapatid kayo ni Kahel? Na mag pinsan kayo ni Cedric?"

Hindi ko sinagot si Larence, hindi ko rin alam kung bakit.

"Dalawa lang yan, naiinis ka kasi hindi nasabi sayo ni Kahel, o naiinis ka kasi yun nga, iisipin na iba na yung mag pinsan nagkagustuhan?!"

"what! Anong nagkakagustuhan? Hindi ko gusto si Cedric!"

"Really Ad? Bakit mo sya iniiwasan?" tanong ni Larence. Matalim ko syang tiningnan, lagi na lang kay Cedric ang bagsak ng usapan namin.

"Adal iiwasan mo lang sya kung ayaw mo sa kanya o may gusto ka sa kanya. Choose!"

"ayaw ko sa kanya?"

"Bakit ka nagtatanong? Hindi ka sure?"

"Para naman kasing tanga yung tanong mo!" singhal ko sa kanya

"anong mahirap? Ang dali lang Adal" sabi nya pa sa akin at parang may naiisip na naman sya "may gusto ka kay Wenard?"

"wala"

"Bakit ang bilis mo sumagot?"

"Malamang! Wala naman talaga akong gusto kay Wenard. Kaibigan natin sya" paliwanag ko

"Kung wala kang gusto kay Cedric bakit ang tagal mo sumagot? Adal yung totoo, bothered ka ba kasi nalaman mong gusto ka nya?" seryoso na nyang sabi at pag-uusisa

"Nakakasama na natin sya, syempre dahil sa basketball nyo. Ano, parang close, ano ba tamang term? Parang-"

"Nagiging kaibigan na? Kaibigan na rin yung turing mo sa kanya? Kaya ka umiiwas kasi, may kaibigan ka na naman na nagkakagusto sayo? Tama ba ako? Bakit si Jayzel, si Wenard, nagkagusto sayo, may gusto sayo, never mo silang iniwasan Ad, you confronted them. Yun ang hilig mong gawin, mangkumpontra. Bakit kay Cedric hindi mo magawa? Bakit sya iniiwasan mo? You're being unfair, Ad"

Unfair. I'm unfair.

"Hindi sa kaibigan, ka close, sige yung term na lang na ka close...Larence hindi ko talaga alam. Baka siguro bothered ako, baka siguro nalalagyan ko na nga ng malisya yung mga ginagawa nya. I don't know. Yes I admit that I didn't have this feeling for Wenard, for those who confessed that they like me. Hindi ko maintindihan. Baka siguro hindi ako sanay. Baka yun nga, hindi ako sanay. Hindi ako sanay na may malapit sa akin, na hindi ko naman total-ling kaibigan, hindi ako sanay na bigla ko na lang malalaman na may gusto sya sakin. Hindi ko alam gagawin ko. Hindi sya gaya ng kaklase ko o yung ibang may gusto sa akin na kilala lang ako pero hindi ko sila kilala, na nakakaya kong asar asarin, patulan. I don't know how to deal with Cedric."

"You don't know or you just don't want to deal with him?"

Kanina pa, kanina pa yung pag - uusap namin ni Larence pero hanggang ngayon nasa utak ko pa rin yung mga tanong nya.

"Adal ikaw na"

"Anong ako?"

"Tapos na kami, ikaw na. Kalaban mo si Justin, kayang kaya mo yan hahaha"

Oo nga pala, may activity kami. Pumunta na ako sa unahan kung nasan si Justin. Ano naman kung si Justin kalaban ko. Sya yung kilala ko na may gusto sa sakin na sobrang competitive. Kahit ata ayain ko sya ng date hindi sya papatalo para sa akin. Pero syempre hindi ko yun gagawin, kayang kaya ko sya talunin. And in some way, I like how competitive he is, hindi sya yung ibang tao na mag gi-give way para lang sa taong gusto nila.

Ako na ang bumunot sa fish bowl ng magiging task namin. Iba ibang task ang andito. Swerte yung kanina, mag-aayos lang tie, proper hand placement, regional provinces, wala pang languages!

Distracted Where stories live. Discover now