~~~~~Hindi ko alam na gustong gusto talaga ni Khael na matapos yung project nya. Alas tres na kami natapos. Akala ko pangangalahatian lang namin tapos bukas ulit. Ayaw paawat, tinapos talaga. Wala pala syang sched ngayong umaga kaya ang lakas ng loob magpuyat. Ako eto, bangang. May class ako mamayang nine. 7:30 na, nag gagawa pa lang ako ng mga assignment ko, sinasabay ko na ang pag-aalmusal ko
"Need help?" tanong ni Jaylo na kasabay kong nag aalmusal. Umiling lang ako sa kanya at tinuloy ang pagsasagot
Pagkatapos kong magsagot at mag almusal dumeretso na ko sa cr. Hinayaan ko na si Jaylo na linisin yung kalat ko. Sinabihan ko lang sya na huwag gagalawin yung mga notebook ko.
"Iyo to? Peram ako!" tiningnan ko sarili ko sa whole body mirror na andito sa sala. May nakita kasi akong specs, muntik ko na maupuan kanina. Semi rimless specs, hindi ko sure kung may grado basta bagay sya sakin
"Jaylo!" sigaw ko. Tagal sumagot ma l-late na ko
"Hindi yan akin" pagkalabas nya ng kwarto. Naka uniform na rin.
"ayaw mo lang magpahiram"
"Hindi yan akin. Not sure kung kay Vince-"
"Hindi nag gaganto si Vince" putol ko sa pagsasalita nya
"Baka kay Jeromy or Ced. Minsan ko lang makita si Ced na nakasalamin pero kagabi si Jeromy ata may suot nyan" paliwanag nya. Ano ba naman klase syang kaibigan o jowa kung hindi nya alam kung nag susuot ba talaga ng ganto mga kasama nya
Dahil hindi naman to kay Jaylo, huhubadin ko na lang. Pero wala rin namang masama kung susuitin kahit kay Jeromy ito.
"bagay sayo"
Binigay ko sa kanya, lumabas na ko ng dorm at bumaba na. Nakasunod pala sya sakin.
"Bagay nga sayo. Suot mo, balik mo na lang sakin pag nasa school na tayo" sabi nya pa sakin at nilahad sakin ang salamin. Tinitigan ko lang sya, may saltik ba sya?
"Inuuto mo ba ko? Mag kaaway tayo diba? Pinagsasabi mo dyan!" pagsusungit ko pero kinuha ko at sinuot ulit ang specs. Angas ko tingnan dito
"Ikaw lang umaaway sakin, hindi kita inaaway" sabi nya at pumara na ng tryc. Gusto ko sanang hindi sya kasabay pero ayoko ma late. Sumakay na rin ako
Hindi inaaway, nakikipagsagutan ka nga sakin. Gigil mo ko.
"may saltik ka ba? E anong tawag mo sa pang papatol mo sakin?"
"inaasar kita hindi kita inaaway"
Since Khael was in 10th grade and started living in dorm, I've been going there too. That's where I met Jaylo. Jaylo was the first to the dorm, and because she's the only tenant that has no mate, at atat na makapag dorm si Khael doon na sya. Occupied na kasi ang ibang room that time, so no choice. Kasa kasama na ko ni Khael, para na ngang ate ang ganap ko. Never akong nagtanong o nangielam about sa family nya at kung bakit sya nag dorm agad.
And since I've been living with Jaylo in the room too, since Khael and I lived in the dorm nagsimula na rin mangielam si Jaylo, oo naiintindihan ko na matanda sya samin lalo na kay Khael. Pero wala e, kuhang kuha nya inis ko. Hindi sya ganung katanda sakin, she's 20 second year, ako kaka 19 ko pa lang. Magkakaedad lang ata sila nila Vince, pero si Wenard at Larence na second year na rin 21 years old na.
Jaylo's presence just enough for me to feel annoyed everytime.
"Wala kayong barya?" natauhan ako sa tanong ng driver. Nakita ko ang 100 bill ni Jaylo
"Kuya dalawa na kami dyan" sabi ko pa
"wala pa rin barya, walang panukli" sabi ng driver. Malas kung kaylan makakalibre na "ikaw baka meron" sabi pa sakin.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...