~~~~~Hindi ako muse or player pero may usapan kami dati pa nila Larence na huwag nilang aagawin yung thirteen.
"Sinong nag thirteen? Sino tong Remonte?" tanong ko kay Jayzel. Lumapit naman samin si Larence
"Bakit?"
"Sabi ko walang gagamit ng thirteen"
"Akin yan" sabi ni Trey na nasa bandang likod ko. Sya yung Remonte.
"Sinabi ko na sa kanila yan pero mapilit sya" turo ni Larence kay Trey. Malapit na rin akong mapuno dito kay Trey, noong isang araw pa sya.
"Sakin na muna. O kaya pareho na lang tayo, hindi ka naman tutungtong sa loob ng court" sabi ni Trey sakin
"ayoko ng may kapareho. Mag-isip ka ng iba"
"Wala akong maisip"
Bwisit ka.
"Birthdate mo ba yan? Papayag akong pareho tayo kung birthdate mo yan"
Nanahimik sya.
"six ang birthdate nya. Yang thirteen sa nililigawan nya" si Cedric na ang sumagot sakin.
"Hindi ka pa nga sinasagot hahaha. Baguhin mo na" sabi pa ni Kris kay Trey
"Sa iba ako magpapagawa ng jersey"
"Walang pipigil sayo. Kahit sa ibang group ka na lang din maglaro." sabi ko kay Trey. Matigas ulo nya at ayaw papilit, pwes lalo ako.
Tinatapik tapik nila Larence, at Jayzel na katatapos lang sukatan, ang balikat ni Trey.
"Ikaw na Ad" sabi ni Jayzel, lumapit na ako sa nagsusukat.
"Thirteen pa rin" sabi ni Trey. Hindi ko sya tinantanan ng tingin. Kahit gawin nyang 1 over 3 yan, maging fraction pa yang nasa jersey nya, hindi ako papayag.
"Palitan mo na" sabi ni Cedric
Nakipagtitigan pa talaga sakin si Trey, nang-iinis na lang talaga sya. Biglang humarang sa gitna namin si Cedric at dumeretso sakin, kinuha nya ang papel na hawak ko at inabot kay Trey.
Narinig ko pa na twenty-one na lang daw sya. Tinanong pa sya nila Larence kung kanino naman daw yun, date daw kung kailan sila nagkakilala ng nililigawan nya. Masyado na syang tinatamaan ng Trina Effect. Cringe.
Pagkatapos namin na sukatan nagsiuwian na sila Cedric at mga kaibigan nya. Gusto magpaiwan ni Trey pero si Cedric na ang nag-aya na umuwi na sila.
"Kayo hindi pa kayo uuwi?"
"Adal kanina pa tayo inaantay ng mama mo" sabi ni Vince. Binaliwala ko sya at sumakay na ko ng tricycle, nagsinuran naman sila agad.
"Tita mambubulabog na kami!" si Jayzel na naunang pumasok. Sinalubong sila ni mama sa sala.
Lumayo si mama kanila ng konti, pinagtaka namin.
"Hayaan nyo kong sabihin yung pangalan nyo"
"kala ko naman kung ano ma. Kala ko ayaw mo na sa kanila"
"ikaw lang naman may ayaw samin" sabi pa ni Vince
"Adal" saway ni mama sakin. Hindi sya sanay na ganto kami mag tratuhan nila Vince. Kapag kay papa, okay lang. Inaasar asar na rin ni papa sila Vince, lalong lalo na si Jayzel.
Inisa isang itinuro ni mama ang mga kaibigan ko, para namang napapakadami nila para makalikutan nya na "Syempre si Jayzel, Larence, Vince... At Wenard"
Nagmano sila kay mama at niyakap sila ni Mama. May napansin lang ako.
"Kanina ko pa kayo inaantay, kanina pa rin nag-aantay ang pagkain. Kumain na tayo" sabi ni mama na siunod naman agad nila Larence. Patay gutom.
YOU ARE READING
Distracted
أدب المراهقين~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...