~~~~~Kahit si Wenard na kadarating lang, nadamay sa mga kalokohan nitong tatlo. Kalokohan nila kay Jayzel.
Nakaka-miss yung ganto. Yung kaming lima, magkakasama. Kahit walang matinong usapan, kahit puro kalokohan ang ginagawa, alam namin na masaya kami.
Bigla sumagi sa isip ko yung sinabi nila kanina. They are getting busy, hindi lang sa pag-aaral, pati na rin sa pagpapakatino. Syempre may nagugustuhan rin sila. Buhay nila yan. Hindi ko na dapat pinakapakielamanan. Mangingielam lang ako kapag may umiyak na sa kanila. Sana wala.
Dati pangarap lang nila makabili ng bagong motor, hanggang ngayon pinag-iipunan ata nila. May nadagdag na sa pangarap nila. Kahit hindi nila direktang sabihin sa akin, kita ko sa mga mata nila, na gusto nilang magustuhan sila ng mga ginugusto nila. Sana. Ang sayang makitang alam na nila yung gusto nila, gustong gawin, yung totoo na, hindi na laro laro.
Nilabas ko ang phone ko at itinapat sa kanila. Una wala silang alam na kinukuhanan ko sila, pero sa huli mga nag pose na rin sila. Ini-upload ko na rin agad sa fb ko ang mga litratong kinuha ko.
"Wala man lang caption, Adal" tiningnan agad ni Vince ang post ko.
"wala akong maisip"
"lagay mo. Mga pogi kong kaibigan" suggest ni Jayzel, kaylan ba sya magseseryoso!
"Kahit I love you guys, Adal. Ang ano tingnan nitong post mo. Para ka lang may nakitang tao sa gilid gilid. Napogian ka kaya mo kinuhaan ng picture!" dahil sa sinabi ni Larence, pare-parehas kaming natawa.
"Proud ako sa inyo."
Nag scroll lang ako sa fb pero agad ko ring itinigil. Nag-agat ako ng tingin sa kanila dahil sa pagiging tahimik nila bigla.
"Yun sana ang caption na ilalagay ko. Pero mas okay na sabihin ko na lang sa inyo ngayon."
Hindi ko alam kung umaarte sila o ano. They all look shocked. Oa nila. Nakanganga si Jayzel at may pa hawak hawak pa sa mukha. Si Larence naman, nangigiti na handa na mang-asar. Ganoon din sina Wenard at Vince, itsura na handa na mang-asar, nakataas pa ang kilay na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Kahit anong itsura nila, gawin nila sa mukha nila. Kitang kita ko pa rin ang ngiti nila.
Akala ko aasarin talaga nila ako. Nag-antay ako, alam ko naman kasing hindi sila sanay na nagiging ganto ako. Proud naman talaga ako sa kanila, hindi lang ako vocal.
"Hindi ka namin aasarin, Adal. Ilagay mo na lang sa caption."
"Hindi namin alam kung may ginawa ba kami ngayong araw para sabihan mo pero salamat!"
Silang apat nagpasalamat sa akin. Sinunod ko na lang din ang sinabi ni Wenard.
"Hindi ka namin aasarin, Adal" - Wenard and friends
Iyan ang nilagay ko sa caption. Akala ko hindi nila mapapansin. Pero nakalimutan ko na hawak pala ni Vince ang phone nya.
"Bakit ganto?"
"Bakit?" si Jayzel na kinuha na rin ang phone. Sinilip naman ni Wenard at Larence ang phone ni Vince.
"I mean yung sinabi mo kanina. Yung proud ka sa amin. Hindi ito." si Wenard na parang hirap na hirap magpaliwanag sa akin.
Alam ko naman, gusto ko lang sila asarin. Babaguhin ko naman mamaya.
"Proud din kami sayo, Adal"
"Dapat lang!" sabi ko kay Larence. Sabay sabay silang nagsitayuan. Kung kanina, pasensya ko yung inubos nila ngayon ako naman ang umubos ng pasensya nila. Hindi ako mapapaka humble.
![](https://img.wattpad.com/cover/362921217-288-k811858.jpg)
YOU ARE READING
Distracted
Genç Kurgu~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...