~~~~~Mabilis akong naglakad hanggang sa makalabas ako sa library at kung saan man ako dadalhin nitong pagka badtrip ko.
"Balita ko, bawal mag selos kapag walang label."
Pagkalapat pa lang ng kamay ni Trey sa balikat ko tinapunan ko na agad sya ng tingin. Agad syang lumayo at itinaas ang dalawang kamay sa ere.
"selos ka...?" nag aalangan nya pang tanong.
Gusto ko syang sagutin, sigawan, kaso nahagip ng mata ko si Cedric sa dulo nitong hallway, kabababa lang ng hagdan. Hindi ko na pinag tuunan pa ng pansin itong si Trey, nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ang daming lumabas sa bibig ko. Hindi ko na naman napigilan sarili ko. Kakainis talaga magkaroon ng bibig na minsan walang preno.
"Adal!" narinig kong tawag ni Cedric.
Alam kong malapit na nya akong malapitan kaya hindi na ako nag-abala pang lingunin sya. Lakad takbo na ata itong ginagawa ko.
"Adal!" natatawang tawag na ni Trey ang naririnig ko. Ayaw talaga ako tantanan.
Nalagpasan ko na ang building namin kung nasaan ang room ko. Alam ko kasi kapag doon agad ako dumeretso, maabutan nya rin agad ako.
"Larence!" tawag ko ng makita ang kaibigan. Tuluyan na akong tumakbo para makalapit agad sa kanya.
"Larence!" malakas kong tawag. Kahit ang dalawang babae na kaharap nya nagulat din sa ginawa ko. Kalaunan, nagpaalam sya sa dalawa at sinalubong na ako.
"Wala ka sa baranggay nyo. Makasigaw ka-"
"Ayoko silang makita!" tumingin ako sa likod ko, at tama nga ako. Nakasunod pa rin sila sa akin.
Cedric looks serious, Trey on the other side looks goofy. Then Larence excused himself as he stepped in front of me. I gave him a space. Habol ang hininga ko habang andito sa likod ni Larence. Ayoko na tumakbo, nakakapagod, at least dito kahit maabutan nya ako, andito si Larence.
"Ano na namang ginawa mo Trey?!" Larence asked.
"Bakit ako na naman? Wala akong ginawa. Si Ced meron..." pagtatanggol ni Trey sa sarili at itnuro pa si Cedric na lagpas kay Larence ang tingin. Dito sya sa akin nakatingin. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin kay Larence na tumingin sa akin,
"Anong ginawa nila Adal?"
"Ayoko silang makausap-"
"pati ako? Wala akong ginagawa Adal" natatawa pa ring sabi ni Trey.
"nang-aasar ka! Basta ayoko kayong kausapin."
"Adal" narinig kong tawag ni Cedric. Parehas na silang tatlo nakatingin sa akin.
"Cedric" seryoso ring tawag ni Larence kay Cedric. Kahit si Trey na kanina tatawa tawa, ngayon, pinipilit na sumeryoso.
"Gusto ko lang kausapin si Adal, Larence."
Ayoko.
Nagtaas ako ng kilay dahil nasa akin na ngayon ng seryosong tingin ni Larence, ako na ngayon ang hinarap nya.
"Naiintindihan ko na ayaw mo kausapin si Trey. Si Cedric, bakit? May ginawa ba sya sayo?"
Ano? Sasabihin ko nagselos ako kay Aya kaya ayaw ko syang kausapin? Ano ako tanga? uy hinde!
"Ayaw pa kasing aminin na nagselos kaya nag walk out-"
"gago!" hindi ko napigilang sigaw kay Trey.
"Nagselos kanino? Kanino Ced? Kung pinagseselos mo lang si Adal, tigilan tigilan mo-"
YOU ARE READING
Distracted
Ficção Adolescente~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...