~~~~~
" Yes. Finally admitted that I love him. Surprise birthday greeting from my classmates, friends. Passing the previous level, and then here I am answering your questions. I can say that this is my happy ending. Win or loose, still my happy ending. To the point na pwede na akong umuwi. But I know, this isn't really my happy ending. My mind, my heart are still chaotic. I'm back at it again. I can't focus. I don't know what to do. I don't know what to feel again. I'm getting confused again. As I said a while ago, if there still a chaos, if you're confused, hard to decide, hard to focus, still have a lots of doubts, that's not a happy ending. It's hard because I can't start a new, I'm still stuck. I guess, I'm still distracted..."
Hearing those word from her, I know there's something wrong.
I miss her. It's only been three days, but I miss her. Hindi ko sya malapitan, mapuntahan, ang dami na rin kasi naming gawain. Malapit na ang final exam, sabay sabay din kung magbigay ang mga teachers namin ng gawain. Honestly I don't worry that much about my grades, on my performance, na kay Adal ang pag-aalala ko. Alam kong nagbabawi sya ng grades, kung madami akong ginagawa, alam kong mas madami yung kanya. She's busy. Gusto ko syang tulungan araw araw kaso hindi ko magawa. Matapos ko lang agad itong mga pinagagawa sa amin, tutulungan ko agad si Adal.
Kauuwi ko lang galing kila Vince, pinilit ko na sya na tapusin agad ang group work namin. Kanina pa 'ko nag message kay Adal, sinabi ko na nakauwi na' ko, na hindi ko mahahatid sa kanila, huling message ko sa kanya kung nakauwi na sya. It's already eight pm wala pa rin syang reply.
Hindi ako demanding pagdating sa reply nya. Alam ko naman na hindi pa kami. At alam ko na mas madami syang inuuna at kailangan mas pagtuunan ng pansin. Pero hindi ko maiwasan mag-alala.
Exactly eleven pm, I finally got a reply. But it breaks my heart. Reading her messages, makes me question myself, kung may nagawa ba ako sa kanya noong nakaraang araw, may nagawa ba ako na hjndi nya nagustuhan. Pilit kong inalala, pero wala. Alam kong wala.
Dal
Cedric? still up?
Sorry ngayon lang. May sasabihin ako. Pagtapos nito gusto ko rin na huwag na tayong mag-usap. Alam kong hindi mo kaya, pero pilitin mo, para sakin, gusto mo ko diba? Gawin mo kung anong gusto ko.
Kahit ano, kahit ikasasakit ng puso ko, sobra.
Dal
Ayoko na lumalapit ka sa akin. Ayokong tinutulungan mo ko, nagmumuka akong walang alam. I honestly don't like you. I really don't like you. I feel hate towards you, lagi ka na lang kasing nagpapansin, yung oras na para sa kaibigan ko, nababaling sayo. Inaaksaya mo yung oras mo sa akin, pwede ka naman magkagusto sa mga taong may gusto sayo. Sa kanila, hindi ka mababaliwala.
Aaminin ko, nagustuhan kita. Tinulungan, inalagaan mo ako kahit papaano. I appreciate you in that part. Swerte ko dahil naramdaman ko yung pagmamahal mo. Swerte ko dahil minahal mo ko. Swerte ko dahil taon ang inabot ng pagkagusto mo sa akin. Swerte ako oo, pero mas swerte ang taong pagbibigay mo ng atensyon mo habang buhay, at hindi pwedeng ako yun.
Hindi ko talaga kayang ibigay sayo yung pagmamahal na binibigay mo sa akin. Kahit pilitin ko, hindi ko talaga kaya. Siguro hindi talaga ako para sayo. Mali na itinuon mo sa akin ang atensyon mo. Try mo tumingin sa iba, alam kong may mas deserving ng atensyon mo. Kung kailangan na pag salitaan kita ng masama gagawin ko, para lang layuan mo na ko.
Kung hindi mo gagawin, mapipilitan akong lumuhod at yumuko sa harap mo para lang pakinggan mo ako.
Simula bukas, ayoko nang makikita ka sa bahay, sa school, o kahit saan. Ikaw na gumawa ng paraan para hindi tayo magkita. Huwag mo na rin ako guluhin, ang dami kong inaalala, ayokong dumagdag ka pa. Cedric, ginagawa ko ito para sa kapakanan ko, at lalo sayo. Nagmumuka kang tanga sa totoo lang. Napapagod na ko sayo. Alam ko kung gaano mo ko kamahal, alam kong bukas may chance na lapitan mo pa rin ako. Pero sana maintindihan mo na kaya dito ko sinabi, kasi ayoko na kitang makausap. Ayokong sa personal ka sabihan ng masasakit na salita. Naging mabait ka sa akin, kaya gusto ko rin maging mabait sayo. Don't question your worth, worth it, pero ako yung hindi worth it para sayo. Hindi kita gusto.
YOU ARE READING
Distracted
Fiksi RemajaStart: February 2024 Complete: November 2024 add chapters: December 2025 ~~~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by list...
