~~~~~Alam ko may crush sakin si Wenard pero gaya ng sinasabi ko, hindi sya direktang umamin sakin. Naririnig ko lang sa pang-aasar at sa sinasabi ng mga kasama namin lalo na kay Vince. Pero kagabi, sa kanya mismo nang galing na crush nya ko. Wala naman nagbago sa pakikitungo ko sa kanya. Parang isa sya sa mga nagsasabi sakin na may crush sakin, kahit anong amin gawin nila, kahit anong rinig ko na may crush o gusto sila sakin, baliwala lang sakin.
"Adal sorry kagabi. Sana hindi mag-iba yung trato mo sakin" so much sincerity in his voice
umiling ako "alam mo na mahalaga sakin yung pagiging magkaibigan natin. Hindi mag-iiba trato ko sayo, walang ilang, hindi ako iiwas" paliwanag ko sa kanya
"Pero Wenard yung sinabi ko kagabi na, crush, crush is okay. Huwag mo nang palalalain. Kung hindi mo kayang pigilan, ngayon pa lang itigil mo na. Sorry Wenard, I mean it, na walang magbabago sa pakikitungo ko sayo. friends, always." paliwanag ko pa sa kanya. Ayokong magtago ng kung ano utak ko, kaya hanggat andidito, sasabihin ko na. Kilala nya naman ako, na sinasabi ko agad ang nararamdaman ko.
" You don't want to give me a chance? "
" Crush lang ang usapan diba? Bakit nanghihingi ka na ng chance?" may pagkalito sa pagtatanong ko. Hindi ata kami nagkaka intindihan ni Wenard
"Sorry Wenard. Please ayokong may bago sa atin, ayokong mag-iwasan tayo pagkatapos ng usapan natin ngayon. I will make it clear, right now, I will not give you a chance, I already said last night my reasons. May usapan tayo simula pa lang, sumang ayon kayo. Sinabi ko yun kasi inaasar nyo sakin si Jayzel, turns out may crush sya sakin, ayaw nya ipaalam diba? Pero sinabo nyo pa rin sakin. Ang ending hindi nya ko pinansin halos isang buwan. Kinailangan ko pa syang pilitin"
Nine months pa lang kaming magkakaibigan noong nangyari yun. Bukod sa hindi ako fun ng mga story na friends turn to lover, isa rin sa naging dahilan ay yung naging sitwasyon namin ni Jayzel dati. Aaminin ko hirap ako makipag kaibigan, kaya ang hirap na kung kaylan nagkaroon na ako, iiwas ito. Mahirap mag build ng tiwala. Ayoko mawalan ng kaibigan.
Naging okay naman kami ni Jayzel, pinilit ko syang kausapin, sinabi nya sakin dalawang linggo pa, dalawang linggo kasi sisiguraduhin nya na wala na talaga syang crush sakin. Nawala nga. Naging maaayos kami ni Jayzel. Puppy crush lang daw yun, ginawa pa akong aso. Tsaka puppy crush e iniwasan nya ko mahigit dalawang buwan.
Nang mangyari yun, sinabi ko sa kanila na ayoko na maulit yung ganoon. Ayokong mag kakagusto sila sakin. Ayokong dumating na balang araw may aamin sa kanila. Pinangunahan ko na, kasi takot talaga ako na mangyari yung mga gaya sa mga palabas at sa mga libro. Pero hindi napigilan nitong si Wenard. Hindi sya tumupad sa usapan.
"Wenard you know how much I treasure our friendship, with Larence, Vince, and Jayzel. Masama na kung masama pero gusto kong itigil mo yang nararamdaman mo hanggat hindi pa lumalala. Mas masasaktan ka lang" pagpapatuloy ko
"lumalala na nga ata" ani nya, umiwas sya ng tingin sakin
"Wenard-"
"Naiintindihan ko Adal. Lahat ng sinabi mo dati at ngayon. Pero hindi ko mapigilan. Masama na rin kung masama pero wala kang karapatan para diktahan ako. You give me a chance or not, ipapakita ko" pursigido nyang sabi sakin at tiningnan na ako
"Bahala ka. Pero sinabi ko na sayo na wala kang mapapala sakin. We're friends Wenard. Hindi magbabago yun kahit kelan"
Katahimikan ang nanaig sa pagitan namin ni Wenard habang parehas kaming nakatanaw sa baba nitong hagdan. Andito lang kami sa hagdanan, nakaupo. Katatapos lang namin kumain sa loob ng dorm nila Khael. Gusto ko syang makausap agad kaya inaya ko sya dito.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...