Distracted 5

15 1 0
                                    


~~~~~

"Bakit hindi ka sumali sa inyo?" first time ko nakalaro si Khael, ang galing nya pala

"Ikaw bakit hindi sumali?" balik nya sakin sa tanong

"ayoko"

"ayoko rin"

Nagpatuloy kami sa paglalaro. Ngayon ko lang atang gugustuhin na huwag muna mag-uwian si Wenard. Playing with her is fun, I'm sure she's enjoying it too, it's not obvious because she always have her poker face, sigh.

"Kael galingan mo, sayo pusta ko!!" narinig naming sigaw ni Jayzel. Bigla na lang na out of focus si Khael dahilan para hindi nya mapalo yung shuttlecock.

"Kahel pala!" sigaw ulit ni Jayzel

"Traydor oh Adal!" Tawa ni Vince. Talaga bang pinag pupustahan nila kami.

Ilang minuto pa at parehas na kaming nag desisyon ni Khael na tumigil. Pagod na kami.

"Kay Cedric to?" tukoy ni Khael sa raketa. Pabalik na kami sa lamesa kung nasan sila

"oo, bakit mo alam?"

"hawak nya yung bag nito" sagot nya at parehas naming nilingon si Zedric na nakatingin din pala samin. Masyado ba syang nag-aalala sa raketa nya? Hindi ko naman binali

"salamat" sabi ko kay Zedric at binigay na sa kanya ang mga raketa.

"uuwi na ko Adal"

"okay. Ingat. Bukas na lang ulit ako uuwi sa dorm" sabi ko pa kay Khael

"kahit huwag na" sabi nya sakin. Alam ko namang nagbibiro lang sya pero hindi ko mapigilang ipatong ang kamay ko sa ulo nya at guluhin ang buhok nito.

"ingat ka" paalam ko. Bago sya tuluyang umalis nakita ko kung paano nya titigan si Zedric para syang naiinis, I'm not sure, ganyan naman sya lagi tumingin sa iba. Baka natingnan lang. Lumapit na ko kay Vince habang sukbit na yung bag ko. Ang tagal ni Wenard.

"Mauna na kaya tayo" sabi ko kila Larence

"Magtatampo si Wenard, ikaw pa talaga nag-aaya umuwi" sabi ni Vince

"Una na kami. Balitaan na lang kita Larence mamaya" paalam ni Jeromy, nagpaalam na rin sya saming lahat. Ganoon din si Zedric.

"Kain tayo! Wenard libre mo pinag-antay mo kami" reklamo ni Jayzel pagkapasok namin sa sasakyan ni Wenard

"Kaya nga. Dapat binibigay mo sakin susi nitong sasakyan para nakakauwi na kami" sabi naman ni Vince

"edi ako ang hindi makakauwi"

Dahil sa reklamo ni Jayzel at pangungulit namin, sinabi ni Wenard na kakain kami sa fast food libre nya. Gusto nya nga daw sana sa bahay nila kaso mag gagabi na. Mahihirapan kami makauwi nila Jayzel.

"Pumayag kang muse?" tanong ni Wenard. Kasalukuyan na kaming kumakain. At syempre may pagkain tahimik ang mga kasama namin

"hindi. Pinabura ko sa kanila pangalan ko"

"Sabi na hindi ka papayag, ayaw pa kasi nila maniwala sakin na magagalit ka" sabi pa ni Wenard. Natatawang pa syang tumingin sakin, napansin nya sigurong gutom din ako

"ano? Pagod ako kaya gutom ako, naglaro kami ni Khael ng badminton"

"Naglalaro ka pa rin pala ng ganoon" tumango ako sa kanya.

"ngayon na lang ulit" sabi ko. High school yung huli kong laro, sila sila lang din nila Jayzel ang kalaro ko

"next time laro tayong dalawa"

Tumango na kang ulit ako. Sorry gutom talaga ako

"manahimik ka na Wenard. Hayaan mo kaming kumain" biglang sabi ni Larence

Distracted Where stories live. Discover now