Distracted 4

14 1 0
                                    


~~~~~

"the highest, Of course, the person I still haven't called, Ms Juico"

Gusto kong matuwa sa tuwing highest ako sa subject na to, PCTG. Pero mas matutuwa ako kung sa math ako highest.

"Lagi ka na lang highest"

Malamang nag-aaral ako, hindi gaya mo na iba ginagawa sa library.

Pero syempre hindi ko sinabi sa kaklase ko. Tiningnan ko lang sya at lumapit na ko kay ma'am para kuhain ang papel ko.

"Oh alam kong gusto mong tingnan!" sabi ko kay Trina pagkabalik ko sa upuan. Binigay ko na sa kanya yung papel ko. Sanay na ko kay Trina, kaya hindi na ko nag--iisip pa ng kung kapag gusto nyang tingnan ang papel ko.

Lagi syang ganyan, kahit matataas naman yung score nya, kahit sa ibang subject sya ang highest, kinukuha nya pa rin ang papel namin ni Remi. Yung kay Remi naiintindihan ko, syempre magkakaibigan sila, pero kami? nevermind. Iintindihin mo na lang talaga.

"Wala akong copy ng lesson two, meron ka?" tanong ni Trina, binalik nya na sakin ang papel ko. Napansin nya sigurong sa may part na puro nasa lesson two sya madaming mali.

"kung meron ka daw Remi" sabi ko kay Remi at naiilang na humindi. Kaya siguro parehas mababa ang score nila. "Bakit hindi kayo nanghiram noong bago mag quiz?"

"Malay ba naming meron ka"

"Remi anong tingin mo sakin? Hindi nag no-notes? Muka lang akong tamad mag-sulat dito, I mean oo dito sa school. Pero sa bahay nagsusulat ako! Edi sana nagtanong kayo sa iba"

Hindi ko talaga sila maintindihan, gulo nila. Bagay talaga sila magkaibigan. Binigay ko na sa kanila yung notebook ko para naman tumaas na score nila sa midterm.

"Adal!"

"yieeeeh"

"tumatapang na si Justin hahaha"

Dahil sa pagtawag nang kaklase namin na si Justin sakin, puro pang - aasar ang natanggap nya. First sem pa sya may crush sakin. Sinabi ng kaklase namin kalaunan sinabi nya din.

"Bakit?" dahil sa ginawa kong pag tanong sa kanya, mas lalo lang napuno ang asaran sa room. Kahit si Remi nakikita ko na natatawa. Napailing na lang ako. Siguro nga gaya ni Jayzel at Larence sa ibang babae, ako naman sa mga nag kaka crush sakin, patola din ako. Pero hindi sa way na ginugusto ko rin sila.

"Ilan ka?"

"isa" sagot ko

Nagtawanan naman ang mga kaklase namin

"Sa exam-"

"Hoy Justin! Highest nga daw! Bungol ka!"

Niligpit ko na ang papel ko at sinukbit ang bag. Sinabi ko noong nakaraan na iiwan ko ang bag ko pero baka may maglagay ng kung ano kaya dadalhin ko na lang. Wala akong tiwala sa mga kaklase ko, kahit yung iba sa kanila kaklase ko na noong senior high kami.

Iniwan ko na ang mga kaklase ko at dumeretso na sa canteen. Nakakagutom mag sagot.

"Adal!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakasunod sina Remi at Trina. Si Trina mukang napilit lang ni Remi na sumama sa kanya. Trina na laging nakabusangot ang mukha.

"Ano?!"

"sungit. Sabay kami"

Hinyaan ko sila. Pagkabili ko ng pagkain dumeretso na ko sa lamesa na nasa bandang gilid. Naupo na rin si Remi at Trina. Si Remi nilapag ang binili nyang pagkain, samantalang si Trina notebook ang nilapag. Kinokopya nya na ang mga notes na nasa notebook ko. Mabait na bata. Nagsusulat agad.

Distracted Where stories live. Discover now